Lim, 5 pa mangangarate sa 2 torneo bago mag-WOQT
- Published on January 15, 2021
- by @peoplesbalita
SASABAK muna sa dalawang torneo si 2019 Philippines Southeast Asian Games 2019 women’s karate gold medalist Jamie Christine Lim at limang kapwa karate bago mag-World Olympic Qualification Tournament (WOQT) sa Paris, France sa darating na Hunyo 11-13
Ang tatlong araw na WOQT ang huling paligsahan sa mga nais pang humabol sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na naurong lang ng Hulyo 2021 dahil sa Coronavirus Disease 2019.
Nabatid Miyerkoles kay Karate Pilipinas Sports Federation Inc . (KPSFI) president Richard ‘Ricky’ Lim, na magba-bubble training camp muna simula sa Linggo, Enero 17 sina Lim, Alwyn Batican, Ivan Agustin at Sharief Afif sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
Mula sa Calambubble hanggang February 14 lulusibin ng mga mga national karateka ang World Karate Federation (WKF) Premier League sa Lisbon, Portugal.
Sasama sina Junna Tsukii at Joan Orbon sa PH squad sa Lisbon at saka magtutungo ang anim anim na karateka sa kanilang Turkey training camp bago ang isa pang WKF PL sa Azerbaijan sa Marso 9-19 bago mag-Paris klaratefest.
Kasama dapat sa kalendardo ng mga karatista ang 3rd Asian Indoor and Martial Arts Games sa Mayo 21-30 sa Bangkok at Chonburi, Thailand. Pero inuring ito ng Olympic Council of Asia (OCA) Enero o Hunyo ng 2022 na sanhi ng pandemya. (REC)
-
National ID kikilalanin na sa lahat ng transaksyon
NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 162 na nag-uutos na tanggapin ang Philippine o National ID bilang sapat na katibayan ng pagkakakilanlan at edad ng isang tao sa lahat ng transaksyon sa bansa upang mas mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo, mapalakas ang financial inclusion at mapadali ang paggawa ng negosyo. Sinabi […]
-
Direk DARRYL, pansin na mas maraming naging curious na panoorin ang pelikula niya habang bina-bash
SA opinion ni Direk Daryl Yap, mas lalong nagiging curious ang mga tao na panoorin ang mga pelikulang ginagawa niya dahil sa mga bashing na kanyang natatanggap. “When people say something about my film, whether negative or positive, ‘yun ang napapag-usapan,” pahayag nang kontrobersiyal na director ng Tililing at Gusto Kong Maging Porn Star. May magandang […]
-
Maraming natutunan sa mga nakarelasyon: JEAN, mahilig sa mga bad boy kaya ‘di naging successful
MARAMI raw natutunan si Jean Garcia sa kanyang mga naging karelasyon noon. Hindi man daw perpekto lahat, pero importante raw yung may respeto sila sa isa’t isa. “Ang natutunan ko, sa dami ng relasyon din na dinaanan ko, siguro number one is respeto talaga. Respeto at pagtanggap. “Kapag pinili mong mahalin ang isang tao […]