• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lim, Castro, Paranaque patok sa 1st WNBL 2021

NASA walo lang ang tinapik, pero may anim na protected list sa pangunguna nina dating national team stalwarts Allana May Lim at Clare Castro ang Parañaque kaya patok pa rin sa nakatakdang dumribol na 1st Women’s National Basketball League (WNBL) 2021 sa ihahayag na petsa sa lalong madaling panahon.

 

 

Kasapi ang 32-year-old, 5-foot-9 forward na si Lim ng PH team na nag-gold medal sa 2016 Malacca SEABA Women’s 5×5 at nag-bronze sa 2012 Haiyang Asian Beach Games 3×3, at ng champion Far Eastern Lady Tamaraws sa 74th UAAP 2011-12 kung saan siya nag-season MVP.

 

 

Isang veteran internationalist na rin naman sa 5×5 at 3×3 ang 24-anyos na Kapampangan, may taas na 6-5 na sentro, former Lady Tam din  at marami nang nakuhang parangal sa collegiate league na si Castro.

 

 

Ang ibang koponan maraming natapik sa katatapos na  Virtual 1st WNBL Draft 2021.

 

 

Ang apat pang original sa Lady Aces ay sina Jamie Alcoy, Carmina Reyes, Kris Tolentino at Mardyn Tingcang. (REC)

Other News
  • MARAMING pamilya ang inaasahang magugutom dahil sa taas-presyo sa mga bilihin – PH Nutrition Council

    Nagbabala ang National Nutrition Council (NNC) na maraming pamilya ang magugutim dahil sa sunod-sunod na inflation o pagmahal ng presyo ng mga pagkain.     Sinabi ni NNC’s Nutrition Information and Education Division Chief Jovita Raval na maaari rin itong humantong sa “poor nutrition” sa mga pamilya, lalo na sa mga bata.     Aniya, […]

  • Mayor Isko nagpabakuna kontra COVID-19

    Naturukan na ng Sinovac vaccine laban sa COVID-19 si Manila Mayor Isko Moreno.     Mismong si Manila Vice Mayor Honey Lacuna, na isang doktor, ang nagsagawa nito kahapon ng umaga sa Osmeña High School sa Tondo, Maynila.     Agad nagpabakuna si Moreno matapos payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force […]

  • Expired na booster, itinanggi ng DOH

    ITINANGGI ng Department of Health (DOH) na mayroon ng mga nag-expire na mga booster shots  na ginagamit sa kasalukuyang ‘vaccination campaign’ ng pamahalaan.     “There is no truth that what we are distributing as booster shots are expired,” giit ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.     Ipinaliwanag ni Vergeire na may ‘extended shelf […]