• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Limitadong religious gatherings, pinapayagan para sa mga fully vaccinated na tao

PINAPAYAGAN ang limitadong religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3.

 

 

Ang pahayag na ito ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos magdesisyon ang National Task Force na ipagbawal ang “in-person religious gathering” para sa Pista ng Itim na Nazareno.

 

 

Bago pa ang nasabing desisyon, maging si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nanawagan na isuspinde ang “in-person religious gathering” na may kinalaman sa Black Nazarene Feast o tinatawag na Traslacion.

 

 

“Under Alert Level 3, it is at 30% [allowed operating capacity] indoor for fully vaccinated,” ayon kay Nograles.

 

 

“Iyon pa rin po ang sinusunod natin, although we suspended religious gathering for the Feast of the Black Nazarene,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Tinatayang may 50.6 milyong Filipino ang fully vaccinated laban sa COVID-19 habang nagpapatuloy naman ang pagtuturok ng booster shot laban sa COVID-19 sa mga may edad na 18 pataas.

 

 

Ang Kalakhang Maynila, Bulacan, Cavite at Rizal ay nasa ilalim ng Alert Level 3 hanggang Enero 15.

 

 

Bahagi ng Alert Level 3 protocol ang pagbabawal sa “in person classes” para sa basic education, karaoke at indoor entertainment, pagtitipon ng mga tao na hindi naman magkakasama sa iisang bahay, casino/horse racing/cockfighting operations at contact sports maliban para sa bubble set up.

 

 

Samantala, umakyat naman sa 26% ang COVID-19 positivity rate sa bansa “as of January 4” mula sa 1% noong kalagitnaan ng Disyembre ng nakaraang taon. (Daris Jose)

Other News
  • P1-B fuel subsidy para sa mga PUV drivers at operators, hindi sapat – transport group

    Labis na ikinatuwa ng grupo ng mga tsuper ang pagbibigay ng inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng P1 billion na cash grants para sa mga public utility vehicle (PUV) drivers.     Gayunman, ayon kay Obet Martin, Pasang Masda president ang P1 billion ay hindi sapat […]

  • Aliño, bagong SBMA head

    OPISYAL na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang negosyanteng si Eduardo Aliño bilang bagong chairperson at administrador ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).     Sa katunayan, pormal nang nanumpa sa kanyang tungkulin si Aliño sa harap ni Pangulong Marcos bilang SBMA head sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang.     “President […]

  • Nadal kampeon sa Barcelona Open

    Nakamit ni tennis star Rafael Nadal ang ika-12th Barcelona Open title matapos na talunin si Stefanos Tsitsipas.     Nakuha ni Nadal ang score na 6-4, 6-7(6) at 7-5 para tuluyang ilampaso ang Greek player.     Dahil sa panalo ay inaasahan na aangat ang puwesto Spanish tennis star.     Susunod sasabak ang 20-times […]