• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Limited face to face classes aprubado na ni PDU30

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsasagawa ng pilot face to face classes.

 

Sa regular press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque ay inanunsiyo ni DEPED secretary Leonor Briones ang gagawing pagsisimula ng face to face classess.

 

Limitado lamang muna ito sa 100 paaralan.

 

Base sa guidelines , maisasagawa lamang ang pilot face to face kung papasa sa safety assessment ng DEPED ang area kung saan gagawin ang klase.

 

Kailangan din ainiya na may pahintulot mula sa LGU habang kailangan din ng written consent mula sa mga magulang ng mga estudayanteng lalahok sa face to face classess.

 

Sinabi ng Kalihim na magiging limitado ang kapasidad ng mga estudyante para sa naturang set up.

 

Sa Kindergarten ay tanging 12 learners lamang ang lalahok sa face to face habang ang nasa Grade 1 to 3 ay kailangang nasa 16 lamang at ang mga nasa hanay naman ng technical o vocational learners ay lilimitan sa 20.

 

Inaasahang sisimulan ang pilot testing ng face to face classess “in 2 months’ time.” (Daris Jose)

Other News
  • “No Vaccine, No Work Policy”, hindi ipipilit

    WALANG balak ang Malakanyang na ipagpilitan sa publiko ang “No Vaccine, No Work Policy” na una nang inilutang ng ilang mga kumpanya.   Sinabi ni Cabinet Secretary Carlo Alexei Nograles sa ginanap na 53rd cabinet meeting nila na sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi nila ipipilit ang nasabing polisiya pero nananawagan ang pamahalaan […]

  • Malakanyang, nagbigay ng paglilinaw sa anti-terrorism bill

    Naniniwala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang anti-terrorism bill na pinapayagan ang mga awtoridad na ikulong ang mga suspek kahit walang pagsasakdal ng dalawang linggo ay hindi paglabag sa Saligang Batas.   Ani Presidential spokesperson Harry Roque na pinapayagan ng Revised Penal Code ang 36-hour pre-trial detention sa terror suspects para maiwasan na makatakas […]

  • Opisyales ng DOTr at LTO maaaring kasuhan ng plunder

    Maaaring makasuhan ang mga opisyales ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) dahil sa alegasyon ng maanomalyang pagbili ng vehicle license plates.     Ayon kay Sen. Richard Gordon ng Senate Blue Ribbon committee na siyang head na sila ay patuloy na kumakalap ng mga sapat na ebidensiya upang magbigay sila ng […]