• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LJ, humihingi ng prayers para sa kanila nina AKI at SUMMER; isyu sa kanila ni PAOLO gusto nang tapusin

NAKA-SCHEDULE na ang airing ng bagong drama series na To Have And To Hold nina Max Collins, Rocco Nacino at Carla Abellana sa September 27, kaya naman masayang-masaya ang cast dahil nakalabas na sila sa lock-in taping nila mula sa Bataan.

 

 

Post ni Max, makakasama na raw niya ang anak nila ni Pancho Magno na si Sky.  Si Rocco naman ay nag-post na sumasayaw-sayaw pa siya sa harap ng bahay nila ng wife na si Melissa Gohing.

 

 

At si Tom Rodriguez naman ay masayang-masaya dahil sa wakas ay nagkita na silang muli ng wife-to-be niyang si Carla.  Iyon nga lamang next week ay aalis na naman si Tom para sa quarantine at lock-in taping para sa second season ng primetime drama series nila nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith, ang The World Between Us.

 

 

Siguro naman ay matatapos ang taping nila bago ang wedding nila ni Carla sa October 23.

 

 

***

 

 

NASA New York na si LJ Reyes kasama ang mga anak niyang sina Aki at Summer at umuwi sila sa mommy niya roon.

 

 

Iyon daw ang naisip niyang paraan para maprotektahan niya ang mga anak at magkaroon sila ng healthy and safe environment.

 

 

Nagbigay muna si LJ ng kanyang side sa paghihiwalay nila ng boyfriend of six years na  si Paolo Contis, at gusto na niyang tapusin ang issue.

 

 

Humihingi na lamang siya ng prayers sa mga netizens for her and her children Aki and Summer: “Ipagdasal nyo po kami ng mga bata at tulungan nyo po kaming makapagsimula ulit. Alam ko po na matututulungan ninyo akong gawin ‘yun.  Tapusin na po natin itong issue na ito.”

 

 

Marami ang nagtatanong kung kailan daw naman lalakas ang loob ni Paolo na magsalita na nang totoo tungkol sa break-up at ipakilala na niya ang girl na nakitang kasama niya, na una silang nakita sa Our Lady of the Rosary Manaoag Church sa Pangasinan at tumuloy pa sila sa Baguio City, para hindi naman madamay ang mga babaeng inali-link sa kanya na hindi naman pala sila iyon!

 

 

***

 

 

NOONG una ay si Megastar Sharon Cuneta ang nagsasabing gusto na niyang manirahan sa USA, pero pagkatapos ng ilang linggo ay kinailangan niyang bumalik sa bansa dahil may mga naiwan siyang trabaho dito.

 

 

Kaya naman hindi na niya nahintay ang pagbalik muli ng panganay nila ni Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie sa New York para ipagpatuloy ang studies nito doon.

 

 

Ngayon ay si KC Concepcion naman ang nag-post sa kanyang Instagram na gusto na niyang mag-stay sa Los Angeles kaya may sarili na siyang apartment doon at siyang mag-isa ang naggu-grocery at nag-aayos ng bahay.

 

 

Itinutuloy din niya roon ang kanyang jewelry business, ang @avecmoijewelry,  enjoy siyang kasama ang mga friends niyang sina Apl.de.Ap at Filipino-Canadian chef Jordan Andino, na tinawag niyang, “my homeboys!!! The coolest peeps I can ask for. Thank you for inspiring me and helping me make America feel like home.  Love you both so much!!!” 

 

 

Tiyak namang ngayong nasa New York na si Frankie ay magkikita ang magkapatid.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Bucks ayaw magkampante kahit nasa ‘best start’ ngayong season

    Hindi umano nagpapakampante ang Milwaukee Bucks kahit ito ngayon ang best team sa NBA, dahil sa patuloy na pamamayagpag na meron ng siyam na panalo at isa pa lamang ang talo.   Ang best start ngayon ng Bucks ay itinuturing din na pinakamagandang record sa kanilang franchise history.   Ngayon pa lamang usap-usapan na ng […]

  • Designated area itakda: Hithit ng vape sa pampublikong lugar, bawal na

    PINAGBABAWAL na rin ngayon ang paggawa, pagbebenta at pag-advertise ng mga hindi rehistradong electronic cigarettes o vape at iba pang mga naglalabasang bagong uri ng tobacco products.   Ipinalabas ng Palasyo ang Executive Order 106 na naglalayong amiyendahan ang nauna ng Executive Order 26 na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.   Nakasaad sa […]

  • PNP heightened alert vs Bagyong Ofel, Pepito

    INALERTO na ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng Regional Office nito sa buong bansa laban sa epektong dulot ng paparating na mga bagyong Ofel at Pepito.     Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PBGen. Jean Fajardo, simula alas-8 ng umaga kahapon ay inilagay na sa heightened alert status ang lahat ng […]