• July 17, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lobrequito, 3 pa tagilid sa Summer Olympic Games

SABLAY makipagbuno si freestyler Alvin Lobrequito sa Asian Wrestling Championships sa darating na Abril 12-17 sa Almaty, Kazakhstan bunsod ng kawalang Detailed Service (DS) permit sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

 

 

Namemeligro na rin ang pagdayo niya sa Sofia, Bulgaria kasama sina freestyler Jiah Pingot at Greco-Roman practitioners Jason Baucas at Noel Morada sa World Olympic Qualification sa Mayo 6-9 kasunod sa pagtaas ng bilang ng kaso ng Covd-19.

 

 

Kumpiyansa pa rin naman hanggang Martes si Wrestling Association of the Philippines (WAP) secretary general Marcus Valda, na makakapag-training sa lalong madaling panahon ang apat na mambubuno  upang mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na inurong din ng pandemya sa Hulyo 23-Agosto 8 sa Tokyo, Japan.

 

 

Buhat sa Berlin 1936 Olympics, may 15 Pinoy wrestler na ang mga nakasabak sa quadrennial sportsfest. Pinahauli nga lang ay noon pang 1988 Seoul Games sa katauhan nina Dean Carlos Manibog at Florentino Tirante. (REC)