• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Local deaths sa Pinas dahil sa respiratory disease mas mababa kumpara sa ibang bansa-PDu30

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mas mababa ang local deaths ng Pilipinas dahil sa respiratory disease kumpara sa ibang bansa.

 

Ito’y sa kabila ng naitalang bagong record ng COVID-19 cases ng Pilipinas.

 

“Hirap ang America ngayon. Ang Europe is suffering from a—maraming mas namatay; Turkey, marami ang patay; Saudi Arabia, mas marami ang patay,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang taped national address.

 

“Ito, atin, hawa lang. Ang patay natin, hindi masyado ganoon karami,” aniya pa rin.

 

Tinatayang may 33,333 katao na sa Pilipinas ang sumuko sa COVID-19.

 

Kinumpirma naman ng Pilipinas ang “highest ever single-day tally” ng bagong kaso na pumalo sa 22,366, na tumaas sa kabuuang confirmed infections na 1.97 million.

 

Batid naman ni Pangulong Duterte ang pangangailangan na “recalibrate our response” kung ang pagtaas ng COVID-19 cases ay bunsod ng “highly infectious variant” ng sakit.

 

“We are also evaluating whether granular or localized lockdowns would work best in our current situation. Kailangan pag-aralan ito ng task force,” anito.

 

Samantala, hinikayat naman ni Pangulong Duterte ang publiko na manatili sa health standards at magpabakuna laban sa novel coronavirus sa lalong madaling panahon.

 

Nahaharap ngayon ang Duterte administration sa Senate inquiry sa kung paano ginasta ang pandemic funds.

 

“The country had “nothing” in supplies when the pandemic erupted” ayon sa Pangulo.

 

“The same people criticizing today are the same people telling us last year that we were too slow and we’re not prepared,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “Sino bang prepared, preparado nito? America? Name a country that is prepared, mag-resign ako.” (Daris Jose)

Other News
  • GMA Network, muling humakot sa NYF TV & Film Awards: Docu-program ni ATOM, nakasungkit ng World Gold Medal para sa ‘Batas Bata’

    TAAS-NOONG nag-uwi ang GMA Network ng pitong medalya – kabilang na ang isang World Gold medal – mula sa 2024 New York Festivals TV & Film (NYF) Awards. Ito ang unang pagkakataong nanalo ang lahat ng shortlisted entries ng GMA.     Sa ginanap na virtual Storytellers Gala nitong April 17 (Philippine time), nakakuha ng […]

  • Promo lang pala ‘yun ng bagong endorsement… RAYVER, ‘di totoong nag-propose na kay JULIE ANNE dahil sa regalong ring

    NAG-TRENDING sa Twitter ang #MCIHulingHalik na eksena sa GMA Network historical fantasy portal na “Maria Clara at Ibarra,” na muling pagkikita nina Maria Clara (Julie Anne San Jose) at Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo), na pumasok na ang story sa second book na isinulat ni Jose Rizal, ang “El Filibusterismo.”       Napigilan ang tangkang pagmolestiya […]

  • MINI-PUFTS ARE OUT OF THE BAG IN THE CHARACTER-REVEAL VIDEO OF “GHOSTBUSTERS: AFTERLIFE”

    SWEET. Mischievous. Savage.  Mini-Pufts are out of the bag, in the recently released video that introduces the new characters in Columbia Pictures’ upcoming adventure comedy Ghostbusters: Afterlife.   Check out the character-reveal video below and watch Ghostbusters: Afterlife in Philippine cinemas this 2021.     YouTube: https://youtu.be/x-Mjfs9zRH4     About Ghostbusters: Afterlife     From director Jason Reitman and producer […]