LOCKDOWN SA NAVOTAS CITY HALL, PINALAWIG
- Published on March 3, 2021
- by @peoplesbalita
NILAGDAAN ni Mayor Toby Tiangco ang Executive Order No. TMT-019 na nagpapalawig ng hanggang March 9, 2021 ang lockdown sa Navotas City Hall, kabilang ang Navotas City Hall Annex (kasama ang NavoServe) at Franchising Permits Processing Unit.
Ayon kay Mayor Tiangco, sa isinagawang mass testing ng mga kawani ng city hall, napag-alaman na may nadagdag na 63 na nagpositibo sa COVID-19.
“Para mapangalagaan ang kapakanan ng bawat empleyado at mga mamamayang pumupunta sa city hall, kinailangan pong habaan pa ang ating lockdown. Kung may urgent concerns man po sa alinmang tanggapan ng pamahalaang lungsod, maaari po kayong mag-email sa office.mayor@navotas.gov.ph” ani alkalde.
Paalala niya, manatiling mag-ingat dahil hindi nakikita ang virus at kahit hindi man aniya iindahin ang COVID-19, maaaring ang mga kasama sa bahay na mahihina ang katawan ang lubhang maapektuhan o mamamatay.
Unang isinailalim sa lockdown ang Navotas City Hall noong 23 February, 8:01PM, hanggang sa Linggo, 28 February, 11:59PM matapos may 24 kawani nito ang nagpositibo sa COVID-19.
Nitong March 1, 2021, umabot na sa 6,137 ang tinamaan ng naturang sakit sa lungsod, 358 dito ang active cases, 5,586 ang mga gumaling at 193 ang binawian ng buhay. (Richard Mesa)
-
COVID-19 cases sa Metro Manila, posibleng umakyat sa 60K kada araw – OCTA
Muling nagpalabas ng panibagong babala ang OCTA Research Group kahapon sa pagsasabing maaaring umabot sa 60,000 ang arawang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila lamang sa pagtatapos ng Setyembre. “Ang nakikita natin ay ‘yung active cases natin maaaring umabot ng 60,000. Baka 70,000 mataas na ‘yan,” ayon kay Dr. Guido […]
-
RHEN, determinadong sumikat at aminadong nakararamdam ng anxiety dahil sa kanyang career
DETERMINADONG sumikat si Rhen Escano kaya naman bawat opportunity na dumarating sa kanya bilang artista ay gina-grab niya. Pero aminado naman si Rhen na kung minsan ay nakararamdam din siya ng anxiety sa kanyang career. Pero ito raw ang ginagamit niya na motivation to go on with her career. […]
-
Mas gugustuhing siya ang mauna: HEART, hindi kakayanin ‘pag nawala ang asawang si Sen. CHIZ
INAMIN ni Kapuso Global Fashion Icon Heart Evangelista na hindi niya kakayaning mabuhay kung wala ang kanyang asawa na si Senator Francis “Chiz” Escudero. “Yes, because it’s a cruel world. Ayan nanaman ako, cruel, it is, it’s a mean world and without Chiz, I don’t know how I will survive because he’s […]