Lockdown sa PSC, RMSC, Philsports
- Published on March 13, 2020
- by @peoplesbalita
PARA masiguro na mapigilan ang paglaganap ng Novel Cornavirus Disease (COVID- 19), minabuti ng Philippine Sports Commission (PSC) na pansamantalang isasara ang tanggapan sa Maynila at Pasig upang isailalim sa sanitation ngayong araw (Biyernes, Marso 13).
Walang pasok ang mga empleyado at pansamantalang hindi muna ipagagamit sa publiko ang mga sports facilities sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila sa Philsports Complex sa Pasig.
“The PSC will implement a preventive closure tomorrow to undertake sanitation procedures in all its facilities in Manila and Pasig, in light of the World Health Organization (WHO)-declared COVID-19 pandemic,” bahagi ng anunsiyo na ipinalabas ng PSC.
Ngunit, siniguro rin ng tanggapan na babalik sa Lunes, Marso 16 ang operasyon ng naturang ahensiya ng gobyerno at patuloy na maglingkod sa mga atletang Pinoy.
“In this light, the public is advised that work is suspended tomorrow, March 13, as the different offices will also undergo sanitation. Work will resume on Monday, March 16. We advise everyone to be pro-active in ensuring their safety and good health,” anila.
Noong nakaraang buwan lamang nang magdesisyon si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na kanselahin lahat ng mga nakahanay na laro at aktibidades sa ilalim ng kanilang pamamahala, upang masiguro ang kaligtasan ng mga atleta, coaches at sports officials, gayundin ang publiko.
Kabilang sa mga kinasela ng PSC ay ang Philippine National Games (PNG), Batang Pinoy, National Sports Summit, at ilan pang mga pagpupulong.
Mabuti ‘yan, siguraduhin ang kaligtasan ng mg empleyado para mas maging epektibo silang manggagawa ng bansa.
-
May badyet bago matapos ang taon – Speaker Romualdez
SINIGURO ni Speaker Martin Romualdez ngayong Biyernes kay Presidente Bongbong Marcos at sa buong bansa na magkakaroon ng “Agenda for Prosperity national budget” bago matapos ang taon. Ang paniniguro ay ginawa ni Romualdez kasunod na rin nang pagsisimula ng kamara at senado para mapagtugma ang kani-kanilang bersiyon ng panukalang P5.268-trilyong 2023 budget sa […]
-
Netizens, inaabangan na ang nakaaaliw na second episode: WILBERT at YUKII, nagpakilig at nagpasabik sa una nilang pagtatagpo
NAGPAKILIG at nagpasabik ang unang episode ng newest digital series ng Puregold, Ang Lalaki sa Likod ng Profile, nang ipakita ang kakaibang chemistry sa tambalan nina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi) sa una nilang pagtatagpo. Lalo pang matutuwa at ma-i-inlove ang mga tagasubaybay sa ikalawang episode, habang hinihintay kung ano ang mangyayari sa […]
-
Bayanihan e-Konsulta ilulunsad muli ni ex-VP Robredo; mahigit 1,000 volunteers sumali na
MULING magbabalik ang Bayanihan e-Konsulta na sinimulan ni former Vice President Leni Robredo sa ilalim ng kanyang non-government organization na Angat Buhay NGO. Ang Bayanihan e-Konsulta, na inilunsad ni Robredo bilang responde sa paglala ng pandemiya sa bansa, ay isang telecommunication medical service na nagbibigay ng libreng konsultasyon para sa mga pasyente […]