• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Locsin, ipinag-utos na ang paghahain ng diplomatic protests laban sa patuloy na panghihimasok ng China sa EEZ ng Pinas

IPINAG-UTOS na ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., araw ng Huwebes, Setyembre 30, sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang paghahain ng diplomatic protests laban sa China dahil sa patuloy na presensiya nito at ng iba pang mga aktibidad sa West Philippine Sea.

 

Ang kautusan na ito ni Locsin ay isinapubliko sa pamamagitan ng serye ng kanyang tweets, isang araw matapos na sabihin ng National Security Council (NSC) sa Mababang Kapulungan sa isinagawang plenary deliberations hinggil sa 2022 budget na mayroong mahigit sa daang Chinese vessels ang paikot-ikot ngayon sa West Philippine Sea.

 

Sinabi naman ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, na nagtanggol sa budget ng ahensiya, na ang mga barko ay lumitaw na Chinese militia, na mayroong 30 hanggang 60 metro ang haba.

 

Ayon pa sa mambabatas, ang Chinese vessels ay kumikilos mula sa isang spot patungo sa ibang spot at parang nangingisda.

 

Ang Chinese militia vessels na nagsisilbi bilang civilian vessels ay bahagi ng gray zone operations ng Beijing.

 

Si Locsin, kasalukuyan ngayong nasa Estados Unidos ay hiniling sa DFA sa pamamagitan ng Twitter na mag-protesta sa “continued presence” ng Chinese fishing vessels sa Iroquois Reef, okupadong Philippine feature sa West Philippine Sea.

 

Inatasan din nito ang DFA na i-protesta ang “China’s incessant and unlawful restriction of Filipino fishermen from conducting legitimate fishing activities” sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal).

 

Iinag-utos din niya sa DFA na magsagawa ng protesta sa Chinese radio challenges na “unlawfully issued against Philippine maritime patrols.”

 

Ang Western Command (Wescom) sa Palawan ay nagpahayag na noong nakaraang buwan, ang Philippine aircraft ay nakatanggap ng Chinese radio warnings ng 218 beses habang ang Wescom vessels ay nagsasagawa ng pagpa-patrol sa West Philippine Sea.

 

Sinindak din ng China ang Philippine military aircraft na nagsasagawa ng security patrols ng limang beses sa West Philippine Sea noong Hunyo.

 

Umigting naman ang matinding tensyon sa pagitan ng Maynila at Beijing noong unang bahagi ng taon dahil sa presensiya ng daan-daang Chinese militia vessels sa Julian Felipe (Whitsun) Reef sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • HEALTH PROTOCOLS na MULA sa MEDICAL SOCIETIES, KAILANGAN IPATUPAD sa PUBLIC TRANSPORTATION

    Inanunsyo ng DOH na magtatalaga ng isang working committee ang pamahalaan at ang medical societies para mapagusapan ang mga strategies para labanan ang pagdami ng kaso ng COVID-19. Magandang hakbang ito upang hindi puro military solutions na mula sa mga hereral ang napapakinggan kundi yung galing din sa medical experts.     Importante rin ang […]

  • ‘Di naiwasang hingan ng opinyon sa ‘Eat Bulaga’: KIM, naniniwalang kahit saan mapunta ang TVJ ay susuportahan pa rin

    HINDI naiwasang hingan si Kim Chiu ng opinyon tungkol sa mga nagaganap ngayon sa ‘Eat Bulaga’ bilang isa si Kim sa main hosts ng katapat na ‘It’s Showtime’.       “Change is nandiyan na talaga yan, e. Parang hindi naman natin mababago yan. And ‘yung high respect ng bawat isa sa TVJ is really […]

  • DOH nagpaalala sa face-to-face holiday gatherings

    NAGPAALALA ang Department of Health (DOH) na sa  inaasahang mga face-to-face holiday ga­therings, dapat na magkaroon ang bawat isa ng matalinong desisyon kung kailan magtatanggal ng face mask.     Sa press conference, hinikayat din ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang publiko na dapat ay may bakuna at booster shots laban sa COVID-19 para […]