• June 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LOLO 2 PA, KULONG SA SHABU AT MARIJUANA

KALABOSO ang tatlong katao, kabilang ang isang lolo at 23-anyos na dalaga matapos maaktuhan ng mga pulis na abala umano sa paghahambing ng hawak na mga sachets ng shabu sa Malabon City.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong mga suspek na si Santiago Valera, 60, Jerryvie Urcia, 27, kapwa tricycle driver, at Stephanie Aubrey Dela Cruz, 23, assistant cock at pawang ng Liwayway St. Brgy. Bayan Bayanan.

 

Sa imbestigasyon ni PSSg Kenneth Geronimo, alas-6 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 7 sa pangunguna ni PLT Nelson Sibayan sa Liwayway St. nang maaktuhan nila ang mga suspek na abala sa paghahambing ng mga hawak na sachets ng shabu.

 

Agad inaresto ng mga pulis ang mga suspek at narekober sa kanila ang tatlong plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P7,480 ang halaga.

 

Nang kapkapan, nakuha pa kay Urcia ang limang plastic sachets ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nasa P1,440 ang halaga. (Richard Mesa)

Other News
  • 300 employees ng Singaporean bank inilikas dahil sa COVID-19 case

    AABOT sa 300 staff ng isang malaking bangko sa Singapore ang inilikas bilang precautionary measure laban sa coronavirus infectious diseases (COVID-19).   Ito’y kasunod ng ulat na isa sa mga empleyado ang na-diagnose sa sakit.   Sinabi ng isang International correspondent na si Mercy Saavedra Cacan, na isinailalim na sa 14-day home quarantine ang mga […]

  • Roque, nagbigay-pugay sa mga guro ngayong World Teacher’s Day

    NAGBIGAY-pugay si Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga guro ngayong World Teacher’s Day.   Sa katunayan, nag-tweet si Sec. Roque ng isang espesyal na mensahe ng pasasalamat para sa mga guro.   “Happy World Teacher’s Day sa lahat ng ating mga guro,” ani Sec. Roque sa kanyang official Twitter account.   Pinuri nito ang mga guro […]

  • Death toll sa PH dahil sa deadly virus lampas na 26,000

    Mahigit pa rin sa 5,000 ang panibago na namang naitalang bagong nadagdag na dinapuan ng virus sa Pilipinas.     Sa report ng Department of Health (DOH) nakapagtala sila ng 5,204 na mga karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa.     Mas mababa ito ng bahagya kumpara sa nakalipas na Linggo.     Dahil dito […]