• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lolo tigbak sa mixer truck

Todas ang isang 64-anyos na lolo matapos mahagip ng mabilis ang takbo na mixer truck sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, binawian ng buhay habang ginagamot sa Jose Reyes Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo ang katawan ang biktimang si Joey Maguire ng 101Josefina St. 3rd Avenue.

 

 

Nadakip naman ng rumespondeng mga pulis ang driver ng Howo Mixer Truck na may plakang (NDE-6931) na kinilalang si Mark Noel Galero, 24 ng Brgy. Minuyan, Norsagaray, Bulacan.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon ni P/Cpl. Joemar Panigbatban, dakong 5 ng hapon, tumatawid ang biktima sa kahabaan ng Rizal Avenue Ext. corner 3rd Avenue, Brgy. 119 nang mahagip ito ng rumaragasang mixer truck na minamaneho ni Galero.

 

 

Sa lakas ng impact, bumagsak ang biktima sa simento kaya’t magtamo ito ng mga pinsala sa ulo at katawan na naging dahilan upang mabilis na isinugod sa naturang pagamutan.

 

 

Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang isinampa ng pulisya kontra kay Galero sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Trillanes, sinopla ni Roque

    vMARAMING mga Filipino ang patuloy na nagtitiwala at nasisiyahan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque bilang tugon sa sinabi ni dating senador Antonio Trillanes IV na bumababa na ang approval rating ni Pangulong Duterte sa Luzon, batay sa isang survey na isinagawa ng Magdalo group.   “Hindi […]

  • Vice, Coco at Nadine, nanguna sa MMFF 2022… ‘Family Matters’ nina NOEL at LIZA, palaban din sa takilya at hahakot ng awards

    DINAGSA at pinilahan ng manonood ang unang araw ng 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) nitong Linggo, Disyembre 25, 2022, araw ng Pasko.     Pagsapit ng ika-lima ng hapon 5:00 p.m., may post sa official Facebook page ng MMFF, “Napakaagang dinagsa at pinilahan sa takilya sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang walong pelikulang […]

  • Pacquiao-Spence fight kasado na sa Agosto

    Walang iba kundi si World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr. ang makakasagupa ni eight-division world champion Manny Pacquiao.     Matapos ang ilang buwan na paghihintay, kinumpirma mismo ni Pacquiao ang laban nang gulanta­ngin nito ang lahat sa kanyang post sa social media.     Walang caption […]