• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Looking forward siya sa kumpletong tulog: AICELLE, nag-a-adjust pa sa pag-multi-task sa dalawang anak

PINOST na ni Kapuso singer Aicelle Santos via Instagram ang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

 

 

 

Girl ulit ang second baby ni Aicelle na sinilang niya bago sumapit ang Pasko.

 

 

 

Walang binigay na mga detalye si Aicelle kung kelan at saan niya sinilang ang second baby nila ni Mark Zambrano. Kahit name ng baby ay hindi rin nila nire-reveal pa.

 

 

 

Sa mga posts ni Aicelle, makikitang karga na niya ang bagong baby girl kasama ang ilang miyembro ng kanyang pamilya.

 

 

 

May kuha rin ang bagong baby kasama ang panganay nila ni Mark na si Zandrine, who turned 3-years old noong nakaraang December.

 

 

 

“New hopes, new dreams for these two this year. Let’s go 2024! Happy new year one and all!” caption ni Aicelle.

 

 

 

Sa latest post ni Aicelle, makikitang sabay niyang inaalagaan ang dalawang anak nila ni Mark.

 

 

 

Nag-a-adjust pa raw ang 38-year old Miss Saigon star sa pag-multi-task sa dalawang bata. Habang nagpapa-breast feed siya sa isa, yun isa naman ay pinapatulog niya.

 

 

 

Caption ni Aicelle: “This has been us for the past weeks. The panganay wanting my hug as she sleeps and the bunso needing ‘karga/hele/breastfeeding’ to sleep at the same time. Lucky if Mark is home, hati kami. Pero pag wala siya, paano hatiin ang katawan?

 

 

 

“Iniisip ko na lang, sasamantalahin ko na itong pinag-aagawan nila ako – ang atensyon ko, dahil darating ang araw na hindi na ganito… Pero looking forward ako sa kumpletong tulog, aaminin ko, at alam kong matagal pa yun!… Ha ha ha.”

 

 

 

***

 

 

 

PROUD na pinost ni Althea Ablan ang naging bakasyon nila ng boyfriend niyang si Prince Clemente.

 

 

 

Sa Siargao sila pumunta at kita sa mukha ng Sparkle teen star na happy ito masama ang hunky boyfriend niya.

 

 

 

Hindi naman tinatago nila Althea at Prince ang kanilang relasyon sa simula pa lang. Magtu-two years na nga raw sila ngayong 2024.

 

 

 

Sey pa ni Althea na hindi nagseselos si Prince sa bagong partner niya sa ‘Sparkle U: #SoundTrip’ na si Matthew Uy. Kahit sinabi pa ni Matthew na kung walang boyfriend si Althea ay liligawan niya ito.

 

 

 

Busy rin si Prince dahil sa action-serye na ‘Black Rider.’

 

 

 

***

 

 

 

BALIK-ALINDOG ang Marvel actor na si Chris Pratt pagkatapos mag-binge eat noong Pasko at Bagong Taon.

 

 

 

Nag-post ito ng mirror selfie kunsaan kita na ang ripped abs niya sa Day 10 ng kanyang workout.

 

 

 

“I do that intermittent fasting thing. I’m still burning fat from that workout today. I feel good,” caption pa niya.

 

 

 

Pinost din ni Pratt ang photo ng kanyang tatlong anak na magkasama. Bihira raw na magsama ang tatlo kaya kinunan ito ng aktor habang nag-aalmusal.

 

 

 

Ito ay sina Jack (11), anak niya sa ex-wife na si Anna Faris at sina Lyla (3) and Eloise (1) na mga anak niya sa current wife na si Katherine Schwarzenegger.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • ‘Common understanding’ sa WPS propaganda lang ng Tsina DND, NSC

    ITINANGGI ng Department of National Defense (DND) na may umiiral na kasunduan sa pagitan ng Chinese Government na magko-kompromiso sa soberanya at at karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).     Sinabi ni DND Secretary Gilbert Teodoro ang departamento ay walang kontak sa Chinese government simula pa noong 2023.     “This is […]

  • Seguridad para sa ‘pilot’ face to face classes, maaasahan – PNP

    Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na plantsado na ang seguridad para sa pilot implementation ng face-to-face classes sa National Capital Region (NCR) na nagsimula, December 6.     Ayon kay PNP Chief, Police General Dionardo Carlos, mayroon silang listahan ng mga kasaling paaralan kung saan aasahan ang deployment ng kanilang mga police personnel.   […]

  • Halos 200K households, naaalis sa listahan ng 4Ps sa loob ng panunungkulan ni PBBM

    SA LOOB ng isang taong panunungkulan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr, umabot na sa 196,539 households ang naalis mula sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.     Maaalalang sa unang SONA ni Pang. Marcos ay nagbigay siya ng direktibang linisin ang listahan, upang mapupunta lamang sa mga kwalipikadong pamilya ang tulong ng […]