• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lopez kapitbahay si Morente sa ‘Calambubble’ training

TULUNGAN ang ‘magkapitbahay’!

 

 

Kapwa naka-quarantine sina sports stars Pauline Louise Lopez ng taekwondo at Michelle Morente ng volleyball sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna kaya naging magkasundo ang isa’t isa.

 

 

Habang ‘nakapiit’ sa hotel bilang paghahanda sa susunod nilang mga kompetisyon, naging magkatabi lang ang kwarto ng dalawa kaya nag-abutan ng mga pagkain.

 

 

Sa Instagram story nitong makalawa ng 30th Southeast Asian Games gold medalist women’s taekwondo, pinasalamatan ng 25-anyos na balibolista ang pinagkaloob na snacks ng jin.

 

 

“Hi neighbor,” caption ng 24 na taong gulang nasi Lopez.

 

 

Naka-isolation area ang dalawang manlalaro dahil sa pagbabakasyon sa Estados Unidos.

 

 

Pa-Olympic Qualifying Tournament sa mga susunod na buwan ang combat sport athlete sa misyong makahabol pa sa 32nd Summer Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo. (REC)

Other News
  • ValTrace App inilunsad sa Valenzuela

    INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang Valenzuela Tracing (ValTrace) Application hindi na kailangang magsulat sa contact tracing form at mangamba sa paggamit ng ballpen na maaaring ipinangsulat ng may COVID-19   sa bawat pupuntahang establisyimento at ang kailangan lang ay ipakita at i-scan ang inyong unique QR code mula sa ValTrace App.   Maaari nang […]

  • Pinas, kaisa ng Ukraine sa pahahanap ng kapayapaan

    NAKIISA si President Ferdinand  Marcos Jr. kay  Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy sa hangarin ng huli na “search for peace” sa gitna ng pag-atake ng Russia sa  Ukraine.     Ang pangako na ito ni Pangulong  Marcos ay nangyari sa isang  phone call  kay Zelenskiy.     “I had the pleasure of talking to Ukrainian President […]

  • Tune-up games ng Gilas at China nagtapos sa draw

    Nagtapos sa 79-79 draw ang tune-games ng Gilas Pilipinas at China na ginanap sa Angeles City University Foundation Gym sa Pampanga.     Pinangunahan ni Kai Sotto ang national basketball team na nagtala ng 13 points.     Mayroong tig-12 points ang nagawa nina Ange Kouame at Jordan Heading at 9 points naman si RJ […]