• March 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Los Baños, Laguna Mayor Perez, patay sa pamamaril

Patay matapos pagbabarilin si Los Baños, Laguna Mayor Caesar Perez nitong Huwebes ng gabi.

 

Sa imbestigasyon ng kapulisan, kagagaling lamang ng alkalde sa isang public spa malapit sa municipal hall compound at habang naglalakad ito pabalik sa receiving area ng munisipyo ay nilapitan ito ng dalawang lalaki dakong 8:45 ng gabi.

 

Dalawang beses itong binaril sa ulo at mabilis na tumakas ang mga hindi pa nakilalang mga suspek.

 

Dinala pa ito sa HealthServ Medical Center sa Los Baños subalit binawian din ito ng buhay.

 

Ang alkalde na dating Vice Governor ng Laguna ay isa sa pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa iligal na droga na mariing itinanggi naman ng alkalde.

 

Noong ding Mayo 2017 ay napatay matapos pagbabarilin ang nakakabatang kapatid nitong si Ruel Perez, 48 habang lulan ng motorsiklo sa Barangay Maahas.

 

Sa ngayon ay nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang mga kapulisan sa nasabing insidente. (GENE ADSUARA)

Other News
  • ₱6-B UP-PGH Cancer Center Project

    MAY basbas na ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang pagtatayo ng P6-billion cancer center sa University of the Philippines (UP)-Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila.     Ito’y matapos na pangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., NEDA Board chair ang  3rd NEDA Board Meeting sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes.   […]

  • Nagsimula nang mag-shooting ang apat na direktor: ‘Socmed Ghosts’ na pagbibidahan ni CHASE, intended sa international filmfest

    NAGSIMULA na ngang mag-shooting na may working title na ‘Socmed Ghosts’, na isang horror, tragedy and drama movie na ipo-produce ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. na kung saan ang founder ay si Dr. Michael Raymond Aragon.     Si Chase Romero nga ang napiling bida ng pelikula na kung saan gagampanan […]

  • Upakang Ancajas, J Ro matutuloy na sa Abril

    MATUTULOY na ang muling pag-akyat ng ruwedang parisukat  ni world men’s boxing champion Jerwin Ancajas makalipas ang may na buwa nang pagkakapirmi lang sa Estados Unidos.   Sinabi nio Manny Pacquiao Promotion (MPP) president Sean Gibbons, na papanhik sa lonang de lubid si Ancajas upang harapin si Jonathan Rodriguez ng Mexico  sa pagtatanggol sa kanyang […]