• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LOVELY, pinagdarasal na magka-baby na agad sila ni BENJ; umaming nag-try na bago pa sila ikasal

PINAGDARASAL ni Lovely Abella na magkaroon na sila agad ng baby ng mister niyang si Benj Manalo. 

 

 

Kinasal lang sila noong nakaraang January at isa sa dahilan kung bakit nagpakasal na sila agad ay para makabuo na sila ng baby sa taong ito.

 

 

“As in, sana Lord, now na. Agad-agad! Kasi talagang nagta-try na kami magka-baby before, itong mga pa-December. Pero sabi namin baka ayaw pa ni Lord kasi wala pang basbas that time. 

 

 

“Kaya nag-decide kaming mabilisan po ‘yong wedding namin kasi parang gusto na talaga namin magka-anak. So we’re praying, hoping na soon talaga,” sey ni Lovely.

 

 

Iba raw ang feeling na may basbas ng simbahan ang pagsasama nila ni Benj. Marami raw ang naging magandang pagbabago sa buhay nila.

 

 

“Malaki ang pinagbago kahit na dati nagsasama na kami for six years. Totoo pala ‘yon, no? After mong ikasal parang in love na in love ka sa kanya. Alam mo ‘yon? Iba talaga ‘yong kilig ko sa kanya. Iba ‘yong in love ko sa kanya.

 

 

“At this time, hinahayaan ko na ‘yong pagdedesisyon. Ibinibigay ko na ‘yon sa kanya. Kumbaga, ako nag-a-agree lang. Kasi before ang nangyayari laging ako ‘yong nagde-decide. So this time, pinauubaya ko na ‘yon sa aking mister.

 

 

Wala na raw sa option nila ang hiwalayan.

 

 

“Kahit na before pa lang na bago kami mag-decide na magpakasal, talagang pinag-usapan namin na magiging ganito na, wala na talagang hiwalayan.

 

 

“So bago talaga kami nagpakasal, ‘yon ‘yong inunawa namin sa isa’t isa na kailangan namin intindihan ‘yong init ng ulo ko minsan. Kailangan n’ya intindihin ang init ng ulo at wala na ‘yong, ‘Ayoko na. Hiwalay na tayo.’ Wala ng ganu’n this time.”

 

 

***

 

 

ANG ganda ng relasyon ng veteran actress na si Isabel Rivas sa kanyang daughter-in-law na si Nadine Samonte na nag-celebrate ng 33rd birthday noong March 2.

 

 

Sa kanyang Facebook, nag-post si Isabel ng throwback photo nila ni Nadine noong una silang nagkakilala sa 2013 teleserye ng TV5 na Kidlat.

 

 

Hindi raw inakala ni Isabel na si Nadine pala ang matagal na niyang pinagdarasal na magiging misis ng kanyang anak na si Richard Chua. Ngayon ay may dalawang apo na si Isabel na sina Heather at Titus.

 

 

“Friends: 8 years ago I met this beautiful young lady at work & developed friendship with her not knowing she is Gods answer to my pleading to give my only child a good loving wife who will also love & cherish me. 

 

 

“Now I have 2 beautiful grandchildren & love grows everyday from our hearts… ilovu mrs Nadine Eidloth Chua. Happy happy happy Birthday my daughter.

 

 

“I prayed To our Lord God for decades to give Richard my son a good partner in life & you were the answer. God is really good in answering prayers & it’s always the best!!

 

 

“You’re a gift my doll. You love, cherish & hold my only son’s heart & I’m grateful to you my daughter… Happy Happy Bday my love. You brought joy, love & my grandchildren into RBoy & me… I can’t ask for more, you are Gods perfect match….ilovu to the whole universe & back! Happy bday mrs Nadine Eidloth Chua.”

 

 

Nagpasalamat naman si Nadine sa kanyang biyenan.

 

 

“I just can’t imagine while looking at this picture. God really works in mysterious ways. Mami we are family and love will always be there. It’s just getting more and deeper. We are blessed to have each other. Love you wowa, thank you for everything.” 

 

 

***

 

 

NAKATANGGAP na ng bakuna ang Country Music Queen na si Dolly Parton mula sa Moderna kunsaan siya nag-donate ng $1 million para makatulong ma-develop agad ang vaccine.

 

 

Nabakunahan si Dolly sa Nashville’s Vanderbilt University. Nag-tweet pa siya ng: “I’m so excited. I’ve been waiting a while. I’m old enough to get it, and I’m smart enough to get it.”

 

 

Inawit pa ni Dolly ang song niyang “Jolene” pero pinalitan niya ang word na Jolene to Vaccine: “Vaccine, vaccine, vaccine, vaciiiiiiine. I’m begging of you, please don’t hesitate.”

 

 

Hindi naman daw nagmadali si Dolly na magpabakuna at willing siyang maghintay at unahin ang mga health workers at frontliners. Pero dahil senior citizen na siya, isa siya sa naging priority ng vaccine.

 

 

Ang ginawang donation ni Dolly sa Moderna ay isang sign na hiningi niya sa Panginoon.

 

 

“I follow my heart. I’m a person of faith and I pray all the time that God will lead me into the right direction and let me know what to do. When the pandemic first hit, that was my first thought, ‘I need to do something to try to help find a vaccination.’ I just did some research with the people at Vanderbilt (University) — they’re wonderful people, they’ve been so good through the years to my people in times of illness and all that. I just asked if I could donate a million dollars to the research for a vaccine. I get a lot more credit than I deserve, I think, but I was just happy to be a part of any and all of that.” (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • ₱33M halaga ng imprastraktura at 868 kabahayan napinsala ng lindol sa Abra

    TINATAYANG umabot na sa  868 kabahayan sa Cordillera Administrative Region ang napinsala ng magnitude 7 na paglindol na tumama at umuga sa lalawigan ng Abra.     Bukod dito, may  ₱33 milyong halaga naman ng imprastraktura sa tatlong iba pang rehiyon ang napinsala rin ng nasabing paglindol.     “There is no estimate yet on […]

  • Mahigit 200 kaso ng monke mundo – EU disease agency

    UMAABOT na sa kabuuang 219 ang kumpirmadong kaso ng monkeypox virus sa buong mundo ayon sa inilabas na update report mula sa European Union disease agency.     Mahigit sa isang dosenang mga bansa na nakapagtala ng monkeypox ay sa Europa na walang direktang epidemiological links sa West o Central Africa kung saan ang disease […]

  • Wala nang SAP sa 2021 budget – DBM

    Wala nang ilalaan na pondo ang gobyerno para sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng panukalang pambansang pondo para sa taong 2021.   Ito ang nilinaw ni Budget Secretary Wendel Avisado sa pagsisimula sa pagtalakay ng House Committee Appropriations ni Sen. Sonny Angara sa P4.5 trillion national budget para sa susunod na taon.   Sa […]