LRT 1 AT 2, MAY FARE INCREASE
- Published on June 21, 2023
- by @peoplesbalita
MAGPAPATUPAD ng fare increase ang LRT-1 at LRT-2 simula Agosto 2, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) nitong Lunes.
Sa isang pahayag, sinabi ni DOTr Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino na fare adjustment ay pagpapabuti sa serbisyo, amenities at technical capacities ng LRT-1 at LRT-2.
Sa fare adjustment, sinabi ni Aquino na ang LRTA ay nagbabalak na maglaan ng humigit-kumulang P110 milyon, na nagkakahalaga ng 97 porsiyento ng inaasahang P114 milyong karagdagang kita sa riles, para sa pagpapanatili, mga gastusin sa pagpapatakbo, at pagkukumpuni at pangangalaga ng mga mahahalagang sistema at pasilidad ng riles.
Nauna nang inaprubahan ng Rail Regulatory Unit ng DOTr ang mga petisyon na naglalayong taasan ang bayad sa pagsakay ng tren ng P2.29 na may karagdagang 21 centavos sa bawat kilometrong bibiyahe sa LRT-1 at LRT-2.
Dahil dito, ang minimum na boarding fee ng LRT-1 at LRT-2 ay iaakma sa P13.29 (orihinal P11) at P1.21 kada kilometro para sa bawat kilometrong bibiyahe (orihinal na P1 kada kilometro).
Inaprubahan ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang implementasyon ng fare adjustment kasunod ng Cabinet meeting sa Malacañang noong June 6, saad ni Aquino.
Noong Hunyo 13, nakipag-pulong si Bautista kina Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Hernando Cabrera at Light Rail Manila Corporation (LRMC) President at Chief Executive Officer Juan Alfonso para ipaalam sa kanila ang desisyon ipatupad ang inaprubahan pagtaas ng pamasahe.
Nakatakdang ilathala ng LRTA at LRMC ang mga inaprubahang pagsasaayos ng pamasahe sa hindi bababa sa isang pahayagan sa loob ng tatlong magkakasunod na linggo sa Hunyo 19, Hunyo 26 at Hulyo 3.
“After which, 30 days after the last publication date will be the collection date — August 2,” saad ni Aquino.
Ang LRT-1 ay tumatakbo mula Baclaran sa Parañaque City hanggang Bago Bantay, Quezon City (Roosevelt); at LRT-2 mula Recto sa Maynila hanggang Antipolo City sa Rizal. GENE ADSUARA
-
Babaeng boksingero sa India nag-uwi ng gintong medalya sa World Boxing Championship
NAGWAGI ng gold medal sa Women’s World Boxing Championship sa Turkey si Nikhat Zareen ng India. Tinalo kasi nito si Jitpong Jutamas ng Thailand sa score na 5-0 sa flyweight division of the championship. Ito ang unang gintong medalya ng India sa championship mula ng magwagi si Olympic boxer Mary Kom […]
-
Ads June 3, 2020
-
Evangelista, Santor hinirang na MOS
HINIRANG sina Aishel Evangelista ng Betta Caloocan Swim Team at Patricia Mae Santor ng Ilustre East Swim bilang Most Outstanding Swimmer (MOS) sa pagtatapos ng “Go Full Speedo’ Swim Series Long Course Swimming Leg 1 kamakalawa sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Malate, Manila. Nanguna ang 14-anyos na si Evangelista, Grade 10 student sa […]