LRT 1 Cavite Extension Phase 2 mababalam ang konstruksyon
- Published on January 29, 2025
- by Peoples Balita
IBINALITA ng Department of Transportation (DOTr) na magkakaron ng pagkaantala ang ginagawang konstruksyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) Cavite Extension Phase 2 dahil sa may problema sa nakatayong flyover sa lungsod ng Las Pinas.
Mababalam din ang pagtatayo dahil sa kailangan pa ng karagdagang P1 billion sa pondo nito upang mabigyan solusyon ang mag- pagbabago sa designs at infrastructure conflicts.
Ito naman ay ayon kay Las Pinas councilor Mark Anthony Santos na isa sa mga kasama sa committee upang mabigyan ng solusyon ang problema na kinakaharap ng proyekto.
“This funding is crucial for redesigning the stations and resolving issues related to the placement of railway posts. The adjustments are necessary to align the project with existing infrastructure, but we must act swiftly to prevent further setbacks,” wika ni Santos.
Isa si Santos sa nagsabi na dapat ay mayroon ng mas malakas na pagtutulungan ang DOTr, Department of Public Works and Highways (DPWH), at ang lokal na pamahalaan ng Las Pinas upang mapabilis ang pagkakaron ng solusyon sa problema sa right-of-way (ROW) na siyang sanhi ng pagkabalam upang matapos na ang nasabing railway.
Dahil dito, ang Phase 2 na siyang dadaan mula sa Las Pinas papuntang Niog sa Bacoor, Cavite ay tinatayang mababalam ng may karagdagang 3 hanggang 5 taon bago matapos pa ito.
Ang pagkabalam ay sanhi ng flyover sa isang bahagi ng Circumferential Road 5 (C5) extension na ginawa sa ilalim ng DPWH sa pangunguna ng dating DPWH secretary Mark Villar na binuksan noong April 2023.
Kung kaya’t sinabi naman ni DOTr Secretary Jaime Bautista na ang pamahalaan ay napilitang magkaron ng redesigning sa extension ng LRT 1 upang mabigyan ng solusyon ang nasabing nakatayong 680-meter na flyover sa Quirino Highway sa Las Pinas.
Kaya’t nanawagan din si Santos na dapat ay maykaroon ng isang malawakang pagrerepaso kung paano ang isang proyekto sa urban infrastructure ay ipaplano at pag-uusapan ng sa ganon ay maiwasan ang mga ganitong pangyayari sa mga susunod na proyekto ng pamahalaan.
“The LRT 1 Cavite Extension is not just a transportation project. It is a lifeline for thousands of commuters. Delays like this underscore the need for better foresight and collaboration across agencies,” dagdag ni Santos.
Ganon pa man, si Santos ay optimistic pa rin na magkakaroon ng solusyon ang problema sa nasabing proyekto kung kaya’t hinihikayat niya ang mga stakeholders na magtrabaho ng sama-sama upang mabigyan solusyon ang pagharap sa problema at masiguro na matatapos ang proyekto.
Ang Phase 1 ng LRT 1 Cavite Extension ay may 5 estasyon tulad ng Redemptorist-Aseana, MIA Road, PITX, Ninoy Aquino Avenue, at ang Dr. Santos sa Paranaque na nagkaron din ng pagkabalam ang pagtatayo ng 3 tatlong taon dahil naman sa pandemya ng Covid. Ang nasabing Phase 1 ay binuksan sa publiko noong November 2024.
May pondo itong nagkakahalaga ng P64.92 billion na ginawa sa pamamagitan ng public-private-partnership (PPP) sa pagitan ng pamahalaan at ng Light Rial Manila Corp (LRMC). LASACMAR
-
869 na paaralan sa bansa, ginagamit na evacuation center
SINABI ng Department of Education na nasa 869 paaralan sa bansa ang ginagamit bilang evacuation center. Ito’y kasunod nang nangyaring kalamidad sa bansa dahil sa bagyong rolly. Sa Laging handa public press briefing ay sinabi ni Education Sec. Leonor Briones na ito ay mula sa 44 na school divisions o katumbas ng 4,367 […]
-
Maging positibo pa rin – Gaston
SIYAM na buwan sa buwang ito ang Coronavirus Disease 2019 o Covid-19 na pumerwisyo sa mundo sapul noong Marso ng taong ito. Pero hindi pinanghihinaan ng kalooban si University Athletic Association of the Philippines (UAAP) volleyball star Pauline Marie Monique ‘Ponggay’ Gaston, 23-anyos, dalaga at may taas na 5-10. Sa Instagram account post […]
-
PBBM, pinuri ang PH-FRANCE direct flight initiatives, scholarship programs para sa mga Filipino student
PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inisyatiba ng French government na buksan ang direct flight mula Manila patungong Paris at plano nito na palakasin ang scholarship programs para sa mga Filipino students. Pinasalamatan ng Pangulo si outgoing French Ambassador to the Philippines HE Michèle Boccoz na ipinabatid sa Pangulo ang plano […]