LRT-2, magpapatupad ng 11-araw na limitadong biyahe
- Published on June 14, 2021
- by @peoplesbalita
Magpapatupad ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng limitadong biyahe ng kanilang mga tren sa loob ng 11-araw, bilang paghahanda sa nalalapit nang pagbubukas ng LRT-2 East Extension Project ngayong buwan.
Batay sa inilabas na abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), magtatagal ang implementasyon ng naturang limitadong biyahe sa loob ng 11-araw o simula kahapon, Hunyo 12 hanggang sa Hunyo 22.
Sa ilalim ng naturang limited operation, bibiyahe lamang ang mga tren ng LRT-2, mula sa Recto Avenue Station sa Maynila hanggang sa Cubao Station sa Quezon City at pabalik.
“Pansamantalang malilimitahan ang biyahe ng mga tren ng LRT-2 bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng LRT-2 East Extension Project. Mula sa Recto hanggang Cubao station (at pabalik) lang ang biyahe. Ipapatupad ito simula ika-12 hanggang ika-22 ng Hunyo 2021,” paabiso ng LRTA.
Nangangahulugan anila ito na sarado rin muna o walang biyahe ang tatlong istasyon nito na kinabibilangan ng Anonas Station, Katipunan Station at Santolan Station hanggang sa Hunyo 22.
Kaugnay nito, naglabas din ng temporary operations schedule ang LRTA para sa mga araw na may limitadong operasyon lamang ang kanilang mga tren.
Ayon sa LRTA, ang unang biyahe ng tren mula sa Araneta Center-Cubao Station at Recto Station ay aalis ng 5:00AM habang ang last trip naman sa Araneta Center-Cubao Station ay 8:30PM habang 9:00PM naman ang huling biyahe mula sa Recto Station.
Matatandaang nitong nakalipas na mga buwan, nagkasa ng integration test ng signaling system ang LRT-2 mula Recto hanggang sa mga bagong istasyon nito sa Marikina at Antipolo, na bahagi ng East Extension Project ng rail line.
Inaasahang bubuksan na ang dalawang istason sa ikatlong linggo ng buwang ito. (Gene Adsuara)
-
First four official entries, inihayag na: SHARON, ALDEN, DINGDONG at MARIAN, ilan lang sa pagpapaningning ng ’49th MMFF”
SA Facebook post ng Metro Manila Film Festival (MMFF), inihayag ang first four official entries para sa ika-49 edisyon ng MMFF na magsisimula sa December 25, 2023. Sa taon ito ay nakatanggap ang MMFF ng 26 script mula sa 32 production companies. Kaya naman pinasalamatan ni Don Artes, ang concurrent acting […]
-
Ads December 20, 2023
-
Paggawad ng red hat kay Cardinal Advincula, muling ipinagpaliban
Muling ipinagpaliban ang paggawad ng biretta o red hat kay Archdiocese of Manila Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula. Sa text message na ipinadala ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas, sinabi nitong ang pagtaas ng kaso ng mga nahawaan ng coronavirus sa Capiz ang dahilan sa muling pagpapaliban sa ‘bestowal of red hat sa kanya. […]