• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LRT-2 may libreng sakay sa ‘Rizal Day’ tuwing rush hour

MAY HANDOG na libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa linya ng LRT-2 ngayong Biyernes, ito habang ginugunita ang ika-126 anibersaryo ng kabayanihan ni Jose Rizal.

 

 

“May handog na LIBRENG SAKAY ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa Biyernes, ika-30 ng Disyembre, mula 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m., at mula 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m.,” wika ng LRTA sa isang pahayag, Martes.

 

 

 

“Ang LIBRENG SAKAY ay bilang pakikiisa ng LRTA sa mga Pilipino sa paggunita at pag-alala sa kabayanihan ni Gat Jose Rizal.”

 

 

Aalis ang unang tren sa Recto at Antipolo stations sa araw na ‘yon ng 5 a.m. Ang huling biyahe mula Antipolo ay aalis ng 9 p.m. habang 9:30 p.m. naman ito sa Recto.

 

 

 

Pinaaalalahanan naman ng LRTA ang mga pasahero na sumunod pa rin sa ipinatutupad na health, safety at security protocols upang makaiwas sa banta ng COVID-19 at sakuna.

 

 

 

Wala pa rin namang pahayag ang LRT-1, MRT-3 at Philippine National Railways kung magbibigay sila ng kahalintulad na libreng sakay sa parehong araw.

 

 

 

Ang lahat ng ito ay nangyayari matapos ang kontrobersiya sa kakulangan ng stored value Beep cards sa mga linya ng tren nitong mga nagdaang linggo at buwan. (Daris Jose)

Other News
  • PVL teams naghahanda na sa balik-ensayo

    Naghahanda na ang mga teams sa Premier Volleyball League (PVL) sa pagbabalik training dahil inaasahang papayagan na ito ng Inter-Agency Task Force (IATF) matapos magpas­yang maging professional league na ang liga.   Base sa panuntunan ng IATF, tanging ang mga koponan lamang sa professional leagues ang pinahihintulutang makapagbalik sa ensayo sa ilalim ng mahigpit na […]

  • Sandra Bullock Announced She‘s Taking A Break From Acting

    ACADEMY Award-winning actress and producer Sandra Bullock has announced that she is taking a break from her acting career.     Bullock first emerged on the Hollywood scene in the early ’90s with standout performance in movies like Demolition Man with Sylvester Stallone, Speed with Keanu Reeves, and Irwin Winkler’s The Net.     The actress continued her run with a string […]

  • Bob Marley’s legacy lives on in “Bob Marley: One Love”

    Bob Marley has always felt the power of his music and its capacity to unite people, and Bob Marley: One Love’s aims to capture the immense scope of the icon, and a side of Bob Marley that few have ever seen. “Bob carried the weight of the world on his shoulders to bring one love […]