• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LRT 2’s “Beshy, birthday mo rin ba?” inilunsad

“BESHY, birthday mo rin ba.”

 

 

 

Ganito ang nakalagay sa social media post ng Light Rail Transit Line 2 (LRT2) kung saan ipinahayag ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayon buwan ng July.

 

 

 

Nagbibigay ng libreng sakay ang LRTA sa purple line o LRT Line 2 sa mga masuwerting mga pasahero sa loob ng dalawang (2) linggo kasabay ng pagdiriwang ng 43rd na anibersaryo noong July 12 ang LRTA.

 

 

 

Ang initiative na “Birthday Ko Rin Beshy” ay isa itong contest kung saan ang mga pasahero ay kailangan maging follower ng official LRT-2 Facebook page na may username na @OfficialLRTA.

 

 

 

Kailangan na ang mga lalahok ay pinanganak ng July 12, 1980, ang petsa ng pagkakatatag ng LRTA bilang isang ahensya ng pamahalaan.

 

 

 

Kung ang isang pasahero ay kwalipikado, kailangan na gawin ang mga sumusunod na step:

 

  1. Ilagay ang pangalan at ang “Birthday Ko Din Beshy” sa template sa Facebook post (ex. Juan dela Cruz, Birthday Ko Din Beshy) at

 

  1. Hintayin na lamang ang mensahe ng LRTA kung saan sasabihin na ipadala ng pasahero ang kanilang kopya ng birth certificate para sa verification ng kanilang birthdate

 

 

 

Ang “Beshy (or Beshie) Ko” pharase ay galing sa meme template ng dialogue mula sa GMA Network’ drama anthology na “Magpakailanman.” LASACMAR

Other News
  • Balitang nakaranas ng mild heart attack si Pangulong Duterte, fake news -PCOO

    FAKE NEWS ang sigaw ni Presidential Communications Operation Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa kumalat na balitang dumaan sa mild heart attack si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   Sa post ni Sec. Andanar sa kanyang Facebook account ay ipinakita nito ang isang screen shot ng nagpakilalang Maharlika.TV na nagsabing …. “Breaking News: Sources say Duterte […]

  • Hindi nagbago ang Gilas 12, reserba pa rin si Thirdy laban sa Saudi Arabia

    Walang ginawang pagbabago sa roster ang GILAS Pilipinas para sa laro laban sa Saudi Arabia noong Lunes sa 2023 Fiba Basketball World Cup Asian qualifiers.   Bago ang malaking 74-66 tagumpay laban sa Jordan noong Biyernes, mangunguna ang Pilipinas kay PBA MVP Scottie Thompson, Dwight Ramos, at Kai Sotto.   Tingnan si Scottie na tuwang-tuwa […]

  • WANTED NA KOREAN NATIONAL, NAARESTO SA NAIA

    NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Korean national na wanted ng iba’t ibang kaso sa kanilang bansa.     Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco,  kinilala ni BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr. ang pasahero na si Kim Seonjeong, 37.     Sinabi […]