• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB at LTO MAY DAPAT IPALIWANAG sa COA at sa TAUMBAYAN!

Kamakailan ay naglabas ang Commisson On Audit (COA) ng mga pangalan ng ahensiya ng gobyerno na may red flag findings sila. At may dapat ipaliwanag ang LTFRB at LTO tungkol dito!

 

 

 

COA FLAGS LTFRB OVER USING ONLY 1% OF P5.5 BILLION FUNDS FOR DRIVERS ASSISTANCE DURING COVID 19 PANDEMIC

 

 

 

Ayon sa COA ay P59 Million pesos lang ng P5.5 Billion pesos funds na para sa Service Contracting Program ang naipamahagi ng LTFRB. Delayed daw ng dalawa hanggang sampung linggo ang implementasyon ng service contracting program na dapat sana ay magdudulot ng benepisyo sa mga drivers at operators.

 

 

 

Sabi ng COA ay over 29,800 drivers lamang sa target nilang 60,000 ang nai-rehistro sa programa. Ang payo ng COA na gawing simple ang guidelines para mapabilis ang programa.

 

 

 

Pero heto ang matindi!!!

 

 

 

Hindi nga nakaya ipamahagi ang 99 percent ng 5.5 billion pesos ay humihingi pa ang Ahensya ng KARAGDAGAN THREE BILLION PESOS sa national government para ma-resume raw nila ang Service Contracting Program o “libreng sakay” program.

 

 

 

Marahil dapat ipaliwanag muna nila kung ano ang nangyari sa unang P5.5 Billion pesos sa COA bago himirit ng tatlong bilion pa!

 

 

 

COA FLAGS LTO: P2.1 BILLION PESOS UNDELIVERED LICENSED PLATES

 

 

 

Ayon sa COA – Various circumstances caused delays in the procurement of plates, thus resulted in the UNDELIVERED LICENSE PLATES OF THE REGISTRANTS NATIONWIDE AMOUNTING TO P2,159, 036, 340.00.

 

 

 

Dagdag pa ng COA na – lapses in the performance of LTO Management DEPRIVING REGISTRANTS OF THEIR RIGHT TO RETRIEVE THE PLATES THEY HAVE PAID FOR AND AFFECTING APPREHENDING OF TRAFFIC VIOLATORS.

 

 

 

Ibig sabihin BINAYARAN NA NGA NG MOTORISTA ANG PLAKA HINDI PA RIN NAIBIGAY. Ilang ulit na pinuna ito ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) at sinabi nga natin na may naging problema sa pagbabayad sa supllier kaya hindi nadeliver ang mga plaka ng sasakyan!

 

 

 

Pero heto ka. Hindi na nga nadeliver ay humihirit pa ang LTO ng P2.5 BILLION PESOS para sa motorcycle plates.

 

 

 

Bayad na ng mga motorista ang plaka hindi pa nabigay hihirit pa ng bilyun-bilyon na pera! LTO!, ipaliwanag nyo sa COA at sa taumbayan ito!

 

 

 

Sa ating mga mambabatas bago pa kayo maglaan ng pondo sa mga ito, imbestigan po muna ang mga flags na ito ng COA sa LTFRB at LTO.

Other News
  • Ipinagpapalagay na tungkol sa married life niya: Caption ni HEART na ‘stay hopeful while waiting for the sun’, parang double meaning

    FEEL namin talaga na among the new generation of singers, ang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano ay si Darren Espanto ang numero una na hinahangaan niya.     Ilang beses na rin na talagang all-out ang papuri at paniniwala ni Gary sa talento ni Darren.     At magkasama sila sa ASAP in […]

  • Courteney Cox Reveals When ’Scream 6’ Is Set To Begin Filming

    COURTENEY Cox has revealed when Scream 6 is planned to begin filming.     The actress recently returned to her iconic role as Gale Weathers with the debut of the 2022 iteration of Scream, which premiered earlier this year in January. Cox has appeared as Weathers in every installment of the franchise and is apparently already gearing up for the next one as well. […]

  • Obiena pumayag na makipag-ayos sa PATAFA

    HANDANG makipag-ayos si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) at nais din nitong maging bahagi ng national team.     Sinabi nito na gaya aniya ng naging mungkahi niya noong sa PATAFA na magiging maayos na ang kaniyang magiging liquidation o kapag may mga panibagong pondo itong makuha. […]