LTFRB, binalaan ang mga ride-sharing firms, magde-deploy ng mga ‘mystery riders’ sa gitna ng overcharging
- Published on June 4, 2022
- by @peoplesbalita
BINALAAN ng mga transportation authority ang mga kumpanya na nasa ride-hailing service market na huwag magpataw ng sobrang pamasahe matapos silang makatanggap ng report ng overcharging laban sa isang player.
Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nakatanggap sila ng reklamo laban sa Joyride Ecommerce Technologies Corp. dahil naningil ito ng ₱1,000 para sa one-way ride para sa tinatawag na “priority boarding fee.”
Sinabi ng ahensya na nagpadala na sila ng sulat na may petsang Mayo 24 sa Joyride kung saan hinihingan nila ito ng paliwanag kung bakit ang kanilang accreditation bilang transport network company (TNC) “should not be suspended and/or revoked within 10 days from receipt of the show cause order.”
Itinanggi naman ni Joyride Senior Vice President for Corporate Affairs Noli Eala ang overcharging report.
“For clarity, a Priority Fee is an optional fee that customers can freely add to the total fare of the booking. It is an industry used term and practice in case a customer would like to tip or incentivize a driver-partner in advance,” ayon kay Eala sa isang kalatas.
Sinabi pa nito na nagsumite na sila ng paglilinaw sa transport regulator, iginiit na ito’y “compliant with the fare structure set by the LTFRB guidelines.”
Sinabi pa ni Eala na labis nilang ikinagulat ang naging pahayag ng LTFRB sa media lalo pa’t hindi nakatanggap ang kanilang kumpanya ng anumang desisyon o findings mula sa ahensiya.
Pagtiyak naman ni LTFRB Executive Director Maria Kristina Cassion na hindi nila sini-single out ang JoyRide.
“The agency saw it fit to already write all TNCs warning them against the imposition of excessive fare contrary to current guidelines on TNVS (transport network vehicles) fares,” ayon sa LTFRB.
Idinagdag pa nito na gumawa lamang ang LTFRB ng warning letters sa E-pick Me Up, Ipara, JoyRide, My Taxi PH (Grab), at Cloud Panda.
Sinabi ng ahensiya na ang pamasahe para sa TNVS ay dapat na :
– ₱40.00 flagdown rate para sa sedan-type TNVS, na may ₱15.00 fare per kilometer at ₱2.00 per minute travel fare
– ₱50.00 flagdown rate para sa premium AUV/SUV na may ₱18.00 per kilometer fare at ₱2.00 per minute travel fare
– ₱30.00 flagdown rate para sa Hatchback o Sub-compact type na may ₱13 per kilometer fare rate at ₱2.00 per minute travel fare
At upang matiyak na sumusunod ang TNCs at TNVS, sinabi ng LTFRB na magde-deploy sila ng mga “mystery riders in the next few days”.
“Any TNC and/or TNVS caught violating the terms and conditions of the MC shall be subject to fines and penalties,” ang pahayag nito. (Daris Jose)
-
KC, puring-puri ng netizens sa ginawang pagsorpresa kay SHARON; lumipad mula Palawan papuntang Amanpulo
IKINATUWA ng netizens ang IG post ni Megastar Sharon Cuneta na kung saan ang sarap nang pagkakayakap niya sa anak na si KC Concepcion na sinorpresa ang kanyang kaarawan. Post ni Mega, “KC flew back to Manila from Palawan with our dear friend Tim Yap today to take another flight to the island where […]
-
US pinasabog ang ‘spy balloon’ ng China
ISANG Chinese ‘spy balloon’ na pumasok sa airspace ng Amerika noong Enero 28 ang pinasabog ng US military aircraft nitong Sabado sa Surfside Beach South Carolina, US. Ayon sa Pentagon, ang hakbang na ito ng Beijing ay hindi katanggap-tanggap at paglabag sa soberanya ng US. Nabatid na unang naglabas ng kautusan […]
-
Crunchyroll’s First Worldwide Release ‘Dragon Ball Super: SUPER HERO,’ Coming to Theaters in Summer
CRUNCHROLL and Toei Animation announced it will release Dragon Ball Super: SUPER HERO, the newest film in the worldwide anime blockbuster franchise, which will come to theaters globally in Summer 2022. This is the first truly globally-distributed theatrical release for Crunchyroll and is distributed in North America by Crunchyroll. Internationally, the film will be distributed by Crunchyroll and Sony […]