LTFRB hinamon ang grupo ng PUJs drivers na maghain ng formal na petisyon
- Published on August 31, 2023
- by @peoplesbalita
HINAMON ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFR) na maghain ng pormal na petisyon ang hanay ng public utility jeepneys para sa hihiningi nilang P2 na fare hike.
Ayon sa LTFRB ang grupo ng PUJs ay nagpadala lamang ng sulat at hindi formal na petisyon kung saan sila ay naghihingi ng fare hike dahil sa tumataas na presyo ng krudo at gasolina sa merkado.
Ang nagpadala ng liham sa LTFRB board ay ang grupo ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP), Stop ang Go Transport Coalition Inc. (STOP & GO) at ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP).
Sa ginawang hearing noong nakaraang August 22 ay sinabi ni LTFRB chairman Teofilo Guadis na kanilang binibigyan ng pansin ang tumataas na presyo ng produktong petrolyo.
“However, we would need to balance its effects for the commuter. We are studying the feasibility of the fare hike, following the junking of a petition urging for a P1 rush hour fare hike,” wika ni Guadiz.
Kamakailan lamang ay naghain ang grupo ng petisyon para sa P1 rush hour na binasura naman ng LTFRB.
Ang mga kumpanya ng langis ay nagtaas ng P1.10 kada litro para sa gasolina, P.20 kada litro para sa diesel at P.70 sa kerosene. Ito na ang ika-pitong sunod-sunod na pagtataas ng presyo ng diesel at kerosene. Habang ang gasolina naman ay tumaas na ng sunod-sunod na loob ng anim na linggo.
“In line with this, the LTFRB urges the said transport groups to go through the proper processes under the Public Service Act, through the filing of a formal petition within five days,” dagdag ng LTFRB board.
Tatangapin naman ng LTFRB ang mga kumento at suhistyon ng commuters kapag ang formal na petisyon ay inihain na ng grupo ng public utility jeepneys (PUJs).
Nilinaw naman ng grupo ng PUJs na kaya hindi sila naghain ng formal na petisyon ay dahil sa sumusunod lamang sila sa LTFRB Memorandum Circular 2019-035 kung saan nakasaad dito ang pagkakaron ng streamlining ng hearings at ng magkaron din ng automatic fare adjustments na siyang makakabawas sa matagal at mahabang proseso.
Samantala, ang progresibong grupo ng PISTON naman ay linanaw na hindi sila kasama sa grupo na humihngi ng pagtaas ng pasahe subalit ang hihinigi nila sa pamahalaan ay suspendihin ang e-VAT at excise taxes na pinapatong sa produktong petrolyo habang tinatawagan din nila ang pamahalaan na baguhin ang Oil Deregulation Law upang bumaba ang presyo nito.
Ayon sa PISTON ay ang mga nakaraang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay pinalakas lamang ang kita ng mga kumpanya ng langis habang nabigo naman maging maunlad ang pamumuhay ng mga drivers sa gitna ng pagtaas ng presyo nito. LASACMAR
-
LTFRB hinamon ang grupo ng PUJs drivers na maghain ng formal na petisyon
HINAMON ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFR) na maghain ng pormal na petisyon ang hanay ng public utility jeepneys para sa hihiningi nilang P2 na fare hike. Ayon sa LTFRB ang grupo ng PUJs ay nagpadala lamang ng sulat at hindi formal na petisyon kung saan sila ay naghihingi ng […]
-
Djokovic umatras na sa pagsabak sa Indian Wells at Miami Open
UMATRAS na sa paglalaro sa Indian Wells at Miami Open si Serbian tennis star Novak Djokovic. Ito ay dahil sa paghihigpit na US sa panuntunan laban sa COVID-19. Nakasaad kasi sa panuntunan ng nasabing torneo na dapat ipakita ng mga manlalaro ang kanilang katibayan na sila ay naturukan na ng COVID-19 […]
-
Olympian silver medalist Carlo Paalam kailangang sumailalim sa operasyon – coach
Kailangan na umanong makauwi ni 2020 Tokyo Olympics boxing silver medalist Carlo Paalam pabalik sa kanyang pamilya sa Cagayan de Oro City. Ito ay upang sumailalim sa operasyon dahil sa iniinda nitong karamdaman sa kanyang kaliwang kamay at balikat na nakuha niya noong hinarap niya ang boksingerong Hapon sa semi-final round sa Japan […]