LTFRB: Muling pinagpatuloy libreng sakay sa mga PUVs
- Published on September 17, 2021
- by @peoplesbalita
Pinahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na muling pinagpatuloy ang pagbibigay ng libreng sakay para sa mga frontliners at medical workers na sasakay sa mga PUVs dahil sa tuloy na ulit ang programa sa service contracting (SCP) ng pamahalaan.
Mayron P3 billion na alokasyong pondo sa 2021 General Appropriations Act ang nakalaan para sa ikalawang yugto ng SCP ng pamahalaan.
Ang nasabing programa ay nahinto dahil noong nakaraang July ay nag expire ang pondo para sa SCP na nasa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act.
“With the resumption of the program, free rides would be offered again for medical frontliners, essential workers and authorized persons outside of residence (APORs). It was re-launced last September 10, 2021,” wika ng LTFRB.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) hindi lamang sa Metro Manila ito gagawin at ipapatupad kung hindi sa iba pa rin regions ng bansa.
Halos may 31.6 million na mga Filipinos ang nabigyan ng serbisyo mula sa libreng programa ng gobyerno mula ng ito ay simulan.
Sa ngayon, tinatayang may kabuohang P1.5 billion na bayad ang nabigay na sa PUV operators at drivers na sumali sa nasabing programa.
“The SCP is one of the programs under the Bayanihan to Recover as Once Act wherein PUV drivers will receive additional income through performance-based incentives from the government. The program which also seeks to raise the level of service and efficiency in the country’s public transportation system, is offered to drivers of modern public utility jeepneys, traditional PUJs and passenger buses that are plying active routes,” dagdag ng LTFRB.
Nakasaad sa program na ang isang PUV driver ay bibigyan ng P46.80 hanggang P82.50 kada kilometro para sa buses at P52.50 ang laan para sa mga PUJs.
Hinihikayat naman ni LTFRB chairman Martin Delgra ang mga transport operators at drivers na sumali sa SCP.
“It provides operators and drivers an opportunity to earn based on the number of trips they run per week and make their operations sustainable whether they have passengers or none,” saad ni Delgra.
Inilungsad ang service contracting dahil na rin sa pagbabawas ng kapasidad ng pasahero sa mga sasakyan dahil sa pagpapatupad ng social distancing na nakaapekto sa take-home pay ng mga drivers at operators. Kung kaya’t kinakailangan dagdagan ang financial assistance sa mga mangagagawa sa pampubliko transportasyon. LASACMAR
-
Chinese Coast Guard armado ng itak, sibat, kutsilyo – AFP
ARMADO ng itak, sibat, kutsilyo at iba pang mga patalim ang Chinese Coast Guard (CCG) na umatake sa Philippine Navy personnel habang nagsasagawa ng Rotation and Resupply (RoRE) mission sa Ayungin Shoal. “They fight with their bare hands, despite the absence of weapons to defend themselves lumaban sila (Filipino troops). ‘Yung mga […]
-
Notoryus snatcher nasakote sa Caloocan
Dahil sa mabilis na pagresponde ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) District Special Operations Unit (DSOU), agad naaresto ang isang umano’y notoryus na snatcher matapos hablutin ang cellphone ng isang estudyante sa Caloocan city. Kinilala ni NPD-DSOU PMAJ Amor Cerillo ang naarestong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RPC Art […]
-
Pakikiramay sa pagpanaw ni dating Mayor Danilo “Danny” Lacuna
INIHAYAG ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang pagpanaw ng kanyang ama na si dating Mayor Danilo “Danny” Lacuna, Linggo ng umaga, Agosto 13, 2023, sa edad na 85. Sa social media post ng pamilya Lacuna sa pamamagitan ni Mayor Honey Lacuna-Pangan, ang panganay sa limang anak ni dating Bise Alkalde, Danny Lacuna, namayapa […]