• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB: Pinahinto pansamantala ang implementasyon ng road safety training ng PUV drivers    

HINDI muna ipatutupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang implementasyon ng programa sa malawakan road training seminar para sa mga public utility vehicle (PUV) drivers at conductors.

 

     Ayon sa LTFRB ang kanilang desisyon na suspendihin muna ang implementasyon ay dahil sa kahilingan ng hanay ng mga drivers at conductors ng PUV na magkaron muna ng isang malawakang kunsultasyon sa kanilang grupo.

 

     Nagkaroon na ng walong (8) kunsultasyon ang ginawa ng LTFRB subalit ayon sa grupo ay hindi pa ito sapat kung kayat pinagbigayan ng LTFRB ang kanilang kahilingan upang marepaso ng mabuti ang programa.

 

     Dahil dito, magkakaron ang LTFRB ng sunod-sunod na konsultasyon sa hanay ng industriya ng transportasyon at ibang pang stakeholders sa kanilang sektor

 

     “We recognize the need for road safety measures, but we also acknowledge the concerns of our stakeholders. We will revise the policy to make it more inclusive, effective and practical for those who will be affected,” wika ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz.

 

     Habang ang programa ay suspendido, tiniyak naman ni Guadiz na patuloy pa rin ang kanilang ahensiya na magiging committed sa pagpapabuti ng ibang programa sa road safety standards ng panglupang transportasyon at sisuguraduhin din ng LTFRB na magbibigay pa rin sila ng mas magandang serbisyo sa publiko.

 

     Kamakailan lamang ay nagbigay ng anunsyo ang LTFRB na kanilang ipapatupad ang implementasyon ng road safety training para sa mga PUV drivers, conductors kasama rin ang mga bus at truck drivers.

 

     Ang nasabing kurso ay nagkakahalaga ng P2,000 kada isang tao na lalahok sa nasabing road safety training na sana ay sisimulan sa isang trial run na gagawin ngayon darating na May na tatagal ng tatlong (3) buwan sa Metro Manila.

 

     Kung magtatagumpay ang nasabing programa ay gagawin din ng LTFRB ito sa ibang lugar ng bansa tulad ng Cebu at Davao. Kapag nagtagumpay, gagawin na itong isang malawakan programa sa buong bansa. Sa trial run at unang taon, ang truck at buses muna ang unang sasailalim sa road safety training.

 

     Habang ang mga PUJ drivers ay sa ikalawang taon naman sasailalim sa programa. Sa taong 2026, ang mga jeeps at UV mula sa Metro Manila, Cebu, at Davao ay kailangan ng kumuha ng nasabing kurso. Sasailalim din ang iba pang PUV sa mga susunod na taon.

 

     Pagkatapos ng mga PUJ, ang susunod naman ay ang mga drivers ng motorcycle taxis at transport network vehicle service (TNVS).

 

     Ang nasabing programa ay gagawin ng dalawang araw na hahatiin sa tatlong bahagi. Ang unang bahagi ay isang lecture tungkol sa road safety kasunod ay ang psychological exam at ang huling bahagi ay tungkol sa first aid at life support kung may aksidente.

 

     Ang bayad na P2,000 ay isa lamang recommended na presyo mula sa mga driving schools habang ang mga kooperatiba at kumpanya ay maaaring pumili na magkaroon sila ng sariling training subalit kailangan accredited ang mga teachers ng LTRFB. Kailangan din na mayroon silang sariling psychologist na mag assess ng psychological capacity ng driver.

 

     Dagdag ni Guadiz na ang mga aksidente sa daan at lansangan ay nagaganap dahil sa kakulangan ng road safety standards kasama na rin ang engine failure. Mababawasan ang ganitong aksidente kung ang mga drivers ay sasailalim sa ganitong klaseng training, ayon pa rin kay Guadiz.

 

     “Once the program is running, the LTFRB will employ means to monitor the compliance to the program. Operators will be mandated to only hire PUV drivers who have passed this road safety training,” saad ni Guadiz.  LASACMAR

Other News
  • Ads March 12, 2021

  • Gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo malabo para sa Asian Games SEAG

    MALABONG maipagtanggol ni 2020+1 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo ang kanyang mga titulo sa darating na 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia, maging sa pagsabak sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China ngayong taon dulot ng mga nakatakdang lahukang kwalipikasyon para sa 2024 Paris Olympics.   Isiniwalat ni head coach Julius Naranjo […]

  • NAVOTAS NAGBIGAY NG TRABAHO SA INTERNS AT EX-OFWS

    BINUKSAN muli ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinto nito para sa mga kabataang Navoteño na gustong magkaroon ng karanasan sa pagtatrabaho sa gobyerno at mga dating Overseas Filipino Workers (OFWs) na nangangailangan ng alternative livelihood.     Nasa 22 beneficiaries ng Navotas Government Apprenticeship Program (NGAP) ang magsisilbi sa pamahalaang lungsod mula July 2 […]