• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO chief inutusan ang mga licensing centers tapusin mga backlog ng mga driver’s license

Inutusan ni Land Transportation Office chief Jay Art Tugade ang mga licensing centers sa buong bansa na tapusin ang backlog sa pagbibigay ng driver’s license sa katapusan ng buwan sa darating na taon.
Naglabas din ang LTO ng memorandum na nagsasaad ng guidelines para sa printing at issuance ng drivers’ licenses upang mabigyan ng solusyon ang problema sa tumataas na backlog. Nakatuon ang memorandum sa mga regional directors, division chiefs, district offices at lahat ng opisyal at empleyado ng LTO.
“All backlogs shall be completely addressed not later than Jan. 15, 2023,” wika ni Tugade. Ang memorandum ay nilagdaan ni Tugade noong Dec. 9.
Ayon sa report, ang backlog sa drivers’ licenses ay umaabot sa 92,000 cards simula nitong December. Ang backlog ay dahil sa kakulangan ng mga functional laser engravers at sa ginagawang repairs ng mga sirang units sa mga licensing centers sa buong bansa.
Nakalagay sa guidelines na ang mga motorista ay dapat dalahin sa pinakamalapit at accessible na LTO office kung saan may gumaganang machine. “LTO clients may also opt to undergo the end-to-end process, which includes capturing biometrics but without the issuance of the driver’s license card on the same day,” saad ni Tugade.
Bibigyan naman ang mga motorista ng printed official receipt na valid hanggang 30 araw. Habang ang mga LTO office naman ay makikipag coordinate sa ibang centers upang masiguro na ang driver’s license ay magagawa ng hanggang isang linggo.
Dagdag pa ni Tugade na hinihintay nila ang kanilang mga biniling spare parts ng mga laser printers na nasira dahil sa sensitivity at dahil na rin sa katagalan at sobrang gamit ng machines.  LASACMAR
Other News
  • Marcos Jr. , ipagpapatuloy ang vlogging kahit pa Pangulo na ng bansa

    SINABI ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagpapatuloy niya ang kanyang pagba-vlog kahit pa magsimula na ang kanyang trabaho at tungkulin bilang bagong Pangulo ng bansa sa Hunyo 30.     Sa kanyang pinakabagong YouTube video, araw ng Sabado, sinabi ni Marcos na ipagpapatuloy niya ang paggamit sa nasabing platform upang manatiling updated ang […]

  • Tulfo, Legarda, Villar nanguna sa ‘Pulso ng Bayan’ senatorial survey

    NANGUNA  sina broadcaster Raffy Tulfo, Deputy Speaker Loren Legarda at dating public works secretary Mark Villar sa latest senatorial preference survey ng Pulse Asia.     Sa survey na ginanap noong Pebrero 18-23, 2022, nanatili sa unang pwesto si Tulfo na nakakuha ng 66.9 percent; pumangalawa si Legarda (58.9%); at puma­ngatlo naman si Villar (56.2%). […]

  • PBBM, alam na may hakbang para palitan ang Senate President

    INAMIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na alam niya na may mga pagkilos na palitan si dating Senate President Juan Miguel Zubiri.     “‘When did I know? The minute they started… actually, it was Senator Chiz (Escudero), the minute he started thinking about it, he brought it up, I think I’m going to try […]