LTO CHIEF, nag-utos ng muling pagsasanay sa mga LTO enforcers dahil sa nag-viral na insidente sa Bohol
- Published on March 4, 2025
- by Peoples Balita
AGAD inatasan ni Assistant Secretary at Land Transportation Office (LTO) Chief, Atty. Vigor D. Mendoza II ang pagsasagawa ng refresher courses para sa lahat ng enforcers ng ahensya sa buong bansa matapos ang viral na insidente sa Panglao, Bohol.
“Ang insidenteng naganap sa Bohol ay nangangailangan ng mas malalim at sistematikong hakbang upang matiyak na hindi na ito mauulit sa hinaharap. Kaya naman magkakaroon tayo ng retraining para sa lahat ng LTO enforcers sa buong bansa, at ito ay magiging mandatory,” ani Asec Mendoza.
Sinabi rin ni Asec Mendoza na inatasan na niya ang pinuno at mga tauhan ng LTO-Law Enforcement Service (LES) sa Central Office na bumuo ng updated version ng protocol na dapat sundin sa pagpapatupad ng batas-trapiko.
Ayon kay Asec Mendoza, ang retraining program ay magtutuon ng pansin sa paggalang sa karapatang pantao at tamang proseso sa pagpapatupad ng mga regulasyon sa kaligtasan sa kalsada.
Ang kautusan ni Asec Mendoza ay bunsod ng isang viral video na nagpapakita umano ng marahas na pagtrato ng limang LTO enforcers sa isang motorcycle rider na di-umano’y may dalang patalim habang isinasagawa ang enforcement sa Panglao.
Samantala, iniutos na ni DOTr Secretary Vince Dizon ang agarang preventive suspension sa lahat ng LTO personnel na sangkot sa insidente sa Panglao, Bohol.
“Mananatili itong epektibo habang isinasagawa ang masusi at patas na imbestigasyon sa mga pangyayari sa likod ng insidente,” ayon sa pahayag ng DOTr.
Nauna nang ipinag-utos ni Asec Mendoza ang pansamantalang suspensyon ng deployment ng LTO enforcers sa Bohol habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon na kanyang iniutos matapos matanggap ang ulat tungkol sa insidente.
Aniya, kasalukuyang ipinatutupad ngayon ang corrective measures, at bahagi nito ang pagsasagawa ng retraining program para sa lahat ng LTO enforcers.
Dagdag pa ni Asec Mendoza, hihingi rin sila ng tulong mula sa Philippine National Police (PNP) sa pagbubuo ng mga panuntunan sa LTO enforcement at sa mismong pagsasagawa ng retraining. (PAUL JOHN REYES)
-
MASS VACCINATION PARA SA MGA KABATAAN, UMARANGKADA NA SA MAYNILA
UMARANGKADA na sa Lungsod ng Maynila ang “mass vaccination” para sa general population ng edad 12 hanggang 17 anyos sa anim na district hospital ng nasabing lungsod ngayong araw. Pinangunahan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pag-iinspeksyon sa nasabing bakunahan sa Sta. Ana Hospital […]
-
Isusumpa ng manonood sa bago nilang serye: JENNICA, puring-puri si SHARON sa pagiging humble sa kabila ng kasikatan
IKATUTUWA mo, my dear entertainment editor Rohn Romulo ang mga papuri ni Jennica Garcia sa mahal mong Megastar na si Sharon Cuneta. Nabanggit kasi ni Jennica na kasali siya sa teleseryeng ‘Saving Grace’ na pinagbibidahan nina Sharon. Lahad ni Jennica, “So ang susunod po natin, Saving Grace, Ms. Sharon Cuneta po ito.“Kung minahal […]
-
Dating asawa, puwedeng makulong sa kasong isinampa: CLAUDINE, nagkaroon ng ‘battered wife syndrome’ at ‘post traumatic disorder’ dahil kay RAYMART
NAKIUSAP ang isang kaibigang Sharonian na sana raw tigilan na raw ng mga pamba-bash kay Megastar Sharon Cuneta. After kasi ng mga kung anik-anik na emote ni Ate Shawie sa kanyang instagram account ay sunod sunod na binatikos ang megastar. Pero aware naman ang kausap namin na hindi raw naman apektado ang isang […]