LTO, ipinatawag ang kumpanya ng bus dahil sa paglabag sa smoke belching
- Published on March 27, 2025
- by @peoplesbalita
IPINATAWAG ng Land Transportation Office (LTO) ang rehistradong may-ari ng isang pampasaherong bus na inireklamo sa ahensya dahil sa umano’y paglabag sa regulasyon laban sa smoke belching.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, naglabas na ang ahensya ng Show Cause Order (SCO) laban sa kumpanyang nagmamay-ari ng bus na may plakang ABG 4240, batay sa reklamo ng isang concerned citizen.
“Hindi po tayo tumitigil sa paghuli ng mga violations ng smoke belching. Kaya nga nagpapasalamat tayo sa mga concerned citizens na tinutulungan ang inyong LTO para ma-identify at mapanagot ang mga violators,” ani Asec Mendoza.
“Hinihikayat natin ang ating mga kababayan na i-report sa atin ang lahat ng pag-abuso sa kalsada at iba pang paglabag, at tinitiyak namin na aaksyunan namin ito. Kailangan lang ay magbigay ng proof gaya ng photo para mapabilis ang investigation,” dagdag niya.
Batay sa SCO na inisyu ni LTO-Intelligence and Investigation Division Chief Renante Melitante, inatasan ang bus company na magbigay ng nakasulat na paliwanag kung bakit hindi ito dapat patawan ng parusa.
Inatasan din ang kumpanya na dalhin ang naturang bus sa LTO North Motor Vehicle Inspection Center (NMVIC) sa LTO East Avenue, Quezon City, o sa LTO South Motor Vehicle Inspection Center (SMVIC) sa LTO SMVIC Compound, Brgy. 191, Domestic Road, Pasay City para sa pagsusuri ng sasakyan.
“Ipinaliwanag ni Asec. Mendoza na ang kautusang ito para sa inspeksyon ay alinsunod sa Section 4 (6) ng Republic Act 4136, o Land Transportation and Traffic Code.”
Nakasaad dito na: “(6) Ang Commissioner ng Land Transportation o ang kanyang mga kinatawan ay maaaring suriin at inspeksyunin ang anumang sasakyan anumang oras upang matukoy kung ito ay rehistrado, hindi kaaya-aya, hindi ligtas, labis ang karga, may maling marka o kagamitan, o kung ito ay hindi akmang gamitin dahil maaari itong magdulot ng labis na pinsala sa mga lansangan, tulay, o culverts.” (PAUL JOHN REYES)
-
GERALD, umaming napakainit ang naging comment ni JULIA sa trending boxer briefs scene niya
“GULAT nga ako nag-trending, ganyan suot ko araw-araw,” natatawang sagot ni Gerald Anderson nang matanong sa reaksyon sa viral video na kung saan suot niya ang white boxer briefs. Sa isang virtual interview na inilabas sa Star Magic YouTube account, naitanong nga ang eksenang kuha sa teleseryeng Init sa Magdamag na kung […]
-
10 hanggang 65 taong gulang pinapayagan nang lumabas ng bahay
MAAARI nang lumabas ng bahay, makapamasyal at makabisita sa mga kamag-anak ang mga indibidwal na may edad na 10 hanggang 65 taong gulang. Ito’y matapos na aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) na i-relax ang age-based restrictions para sa mga lugar na nasa ilalim ng […]
-
Pagsusuot ng face shield sa pampublikong transportasyon, hindi na required – DOTr
Hindi na rin mandato ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong transportasyon epektibo Nobyembre 16. Ayon kay Transportation Undersecretary Artemio Tuazon Jr., alinsunod ang naturang hakbang sa direktiba na inisyu ng IATF at inaprubahan ng pamahalaan kung saan boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face shield sa ilalim ng alert level 1, […]