LTO, mahaharap sa P1.27-B disallowance na may kinalaman sa online portal system project- COA
- Published on February 24, 2025
- by Peoples Balita
IPINAG-UTOS ng Commission on Audit (COA) sa Land Transportation Office (LTO) na tugunan ang audit findings kaugnay sa proyekto nito kasama ang Dermalog o mahaharap ito sa disallowance of payments na nagkakahalaga ng P1.27 billion.
Ang Dermalog – isang German information technology contractor – ang nasa likod ng online portal Land Transportation Management System (LTMS) ng ahensiya.
Sa isang liham na ipinadala ng COA na may petsang Nov. 29, 2024, nakasaad na ang notice of suspension ay tumutukoy sa Road IT Infrastructure Project – Component A o LTMS ng LTO.
“The Audit Team has yet to receive the complete compliance and/or justifications from the Management on these noted observations/issues on the aforesaid [Audit Observation Memorandum],” ang mababasa sa liham para sa LTO.
“On May 21, 2024 and November 26, 2024, the Audit Team issued two follow-up letters to the LTO but still no response has been given by Management as of this date, hence, the issuance of this Notice of Suspension,” dagdag pa nito.
Sinabi ng COA na sinuspinde nito ang pag-audit ng ilang items sa LTMS project sa pagitan ng 2019 at 2022 matapos na ang LTO di umano’y hindi nagsumite ng tugon nito sa AOM.
Ang natuklasan ay base sa assessment ng 13 Technical Evaluation and Inspection Reports (TEIRs) na may petsang mula March 13 hanggang September 13, 2023.
Natuklasan din ng COA na mayroong “incomplete submission of documents, non-compliance with contract requirements, and issues on data and linkages.”
“Items suspended in audit, which are not settled within 90 days from receipt hereof shall become a disallowance pursuant to Section 82 of P.D. 1445 and COA Circular No. 2009-006 dated September 15, 2009, prescribing the Rules and Regulations on Settlement of Accounts,” ang nakasaad sa liham.
Kinokonsidera naman ang LTMS bilang cornerstone ng five-year IT modernization program ng LTO upang maging episyente ang ahensiya at bigyan ang mga kliyente ng kaginhawaan sa online service.
“The system’s portal is a one-stop online shop that seeks to integrate all LTO services in a single contact-less database system and digital platform,” ayon sa ulat.
Matatandaang, Marso ng nakaraang taon, sinabi ng LTO na pinag-aaralan nitong mabuti ang posibilidad na magpapawalang bisa sa kontrata sa Dermalog. (Daris Jose)
-
Naiyak sa tuwa sa regalong natanggap: Tanging hiling ni DAGUL sa 2023, makabalik sa pag-arte
ANG bumalik sa pag-arte sa TV ang tanging hiling ng komedyanteng si Dagul para sa 2023. Bukod daw sa na-miss niya ang umarte, may dalawang anak pa raw siya na pinag-aaral. Noong magkaroon kasi ng pandemya noong 2020 ay nawalang ng regular na trabaho si Dagul na siyang nakaapekto sa kanilang […]
-
Myanmar, mahirap at mabigat na problema para sa Asean-PBBM
ITINUTURING ng Southeast Asian bloc ASEAN na ang labanan sa military-ruled Myanmar ang pinakamabigat at mahirap na isyu para tugunan. Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcs Jr., na may maliit na progreso tungo sa resolusyon at tumitinding labanan. Sa pagsasalita ng Pangulo sa isang forum sa Hawaii streamed live sa Pilipinas, winika […]
-
Ex- La Salle player Maoi Roca pumanaw na, 47
PUMANAW na si Maoi Roca ang dating manlalaro ng La Salle Green Archer dahil sa diabetic complication sa edad 47. Naging manlalaro ng La Salle si Roca mula 1994 hanggang 1998 na naging bahagi noong magkampeon ang koponan sa UAAP Season 61 ng mens basketball laban sa Far Eastern University. Pinasok […]