• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO: MAHIGIT 639,000 NA MOTORISTA NAHULI, HIGIT SA 29,000 NA SASAKYAN NA-IMPOUND NOONG 2024

NAITALA ng Land Transportation Office (LTO) ang kabuuang 639,323 motorista na nahuli dahil sa iba’t ibang paglabag noong 2024, na nagpapakita ng pagtaas ng 20.75% kumpara sa parehong panahon noong 2023, ayon sa inilabas na pahayag ng LTO noong Biyernes, Enero 3.

 

Iniuugnay ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang pagtaas ng mga nahuling motorista sa pagpapatupad ng mga bagong istratehiya para sa mahigpit na pagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon sa kalsada, na alinsunod sa adbokasiya ni DOTr Secretary Jaime J. Bautista para sa kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada.

 

Ayon sa datos ng LTO, kabuuang 529,439 na mga driver ang nahuli noong 2023 at sinabi ni Asec Mendoza na ang pinaigting na presensya ng mga enforcer ng ahensya, kasama ang pakikipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) at mga lokal na pamahalaan, ay nagresulta sa pagtaas ng bilang ng mga nahuli.

 

Ang LTO-Calabarzon ang may pinakamataas na bilang ng mga nahuling driver na may 109,159, sinundan ng Cagayan Valley Region na may 70,855.

 

Nakapagtala rin ng 144.11% na pagtaas sa bilang ng mga nahuli sa LTO-Calabarzon noong 2024 kumpara sa 2023 (44,717 na nahuling motorista noong 2023 at 109,159 na motorista noong 2024); sinundan ng LTO-Mimaropa na may 120.76% na pagtaas, mula sa 14,079 na nahuling motorista noong 2023 patungo sa 31,081 na nahuli noong 2024.

 

“Binabati ko ang ating mga enforcer na nagpakita ng dagdag na pagsusumikap sa pagpapatupad ng mga batas-trapiko. Karamihan sa kanila ay nag-duty pa sa gabi at maging sa madaling araw upang ipatupad ang batas,” ani Asec Mendoza.

 

Kabilang sa mga operasyon sa gabi ay ang anti-colorum drive at mga operasyon laban sa mga truck na lumalabag sa mga regulasyon sa kaligtasan sa kalsada tulad ng overloading at paggamit ng sirang gulong.

 

Sa isang operasyon sa Katipunan Avenue sa Quezon City noong madaling araw ng Biyernes, Enero 3, nahuli ng mga enforcer ng LTO ang isang delivery truck dahil sa paggamit ng sirang gulong, isa pa nga sa mga ito ay may sira na talagang hindi na dapat gamitin.

 

Masaklap pa, ang drayber ng truck ay walang OR/CR at gumamit pa ito ng improvised plate.

 

“Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng mga may-ari at driver ng truck na mga ito na alam ng kalbo na ang gulong ng sasakyan at minsan nga ay may isra pa ay talagang ipipilit pang gamitin,” ani Asec Mendoza.

 

“Ito ay nagpapatibay sa aming determinasyon na magsagawa ng operasyon araw-araw upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada,” dagdag niya.

 

Samantala, sinabi ni Asec Mendoza na kabuuang 29,709 na sasakyan ang na-impound noong 2024.

 

Aniya, ang mga apprehension noong 2024 ay nagpakita ng 21.93% na pagtaas kumpara sa 24,366 na sasakyan na na-impound noong 2023.

 

Nangako si Asec Mendoza na ipagpapatuloy ang agresibong mga operasyon bilang bahagi ng mga pagsisikap ng gobyerno upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada.

 

“Hayaan ninyong magsilbing paalala ang mga resulta ng aming mga operasyon sa mga motorista na mas paiigtingin pa namin ang aming operasyon upang matiyak na susundin ng lahat ng motorista ang mga batas trapiko,” pahayag ni Asec Mendoza. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • ‘Player na ayaw magpabakuna palayasin sa team’ – NBA great Kareem Abdul-Jabbar

    Dumarami umano ang mga players at NBA personnel ang naaalarma habang nalalapit ang pormal na pagbubukas ng bagong season dahil marami pa ring mga players ang ayaw pa ring magpabakuna.     Bukas ay magsisimula na rin ang training camp at nasa 90% umano ng mga NBA players ang bakunado na laban sa COVID-19.   […]

  • Ads July 28, 2021

  • Magiging host din ng isang reality show: RS, may movie kasama ang Superstar at National Artist na si NORA

    AYAW sana ni RS Francisco na tanggapin ang offer ng AQ Prime na mag-host ng reality show.       Kaya naisip niya na kausapin muna si Atty. Aldwin Alegre para siya mismo ang magsabi na ayaw niya. Pero matapos nilang mag-usap ay nakumbinsi siya na gawin ang reality show.       Tinanggap din […]