• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO, MMDA minungkahi single ticketing system sa MM

IMINUNGKAHI  ng Land Transportation Office (LTO) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipatupad ang single ticketing system sa Metro Manila upang magkaroon ng pagkakasundo sa pagbabayad ng mga multa sanhi ng mga traffic violations.

 

 

 

Pinangunahan ni LTO assistant secretary Arturo Tugade ang isang technical working group (TWG) kasama ang MMDA at mga lokal na pamahalaan sa Manila upang pag-usapan ang nasabing mungkahi.

 

 

 

“Under the single ticketing system, traffic violators will pay a standard amount regardless of the location where the traffic violations were committed,” wika ni Tugade.

 

 

 

Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang pagbabayad ng iba’t ibang halaga ng multa na ipinapataw ng iba’t ibang LGUs sa kalakhang Maynila at ng MMDA.

 

 

 

Kasama sa mga violations na ilalagay sa single ticketing system ay ang disregarding traffic signs, illegal parking, reckless driving, driving ng walang license, driving ng unregistered vehicle, over speeding, illegal counterflow, number coding violations at obstruction. Ang hindi pagsusuot ng authorized helmets para sa mga motorcycle riders ay kasama rin sa mga violations.

 

 

 

Ayon kay Tugade ang mungkahi ay sisimulang ipatupad sa susunod na taon. Ang single ticketing system ay naglalayon na magkaroon ng isang uniform at clear guidelines para sa mga traffic violations.

 

 

 

“The STS will establish uniform and clear guidelines for violations like disregarding traffic signs, illegal parking (attended and unattended), reckless driving, driving without a license, driving an unregistered vehicle, overspeeding, illegal counterflow, number coding violations at obstruction,” dagdag ni Tugade.

 

 

 

Ang mga drivers’ licenses ay hindi na kailangan pa na kumpiskahin dahil ang mga licenses ng mga violators ay lalagyan ng tagging ng LTO. Maaaring bayaran ang mga multa sa pamamagitan ng digital wallets o magbayad sa mga rehistradong center ng LTO’s Land Transportation Management System.

 

 

 

Inilatag din sa ginawang pagpupulong ang mahigpit na pagpapairal ng tricycle ban lalo na sa mga national highway at kaukulang speed limit ng mga ito, gayundin ang truck ban.

 

 

 

Sa ngayon ay isinasapinal pa ng mga miyembro ng TWG ang makatwirang halaga ng multa na ipapataw sa mga hindi sumusunod sa mga batas trapiko.

 

 

 

Kapag natapos na ang mga rekomendasyon ng TWG ay magkakaroon naman ng public consultation bago pa ipatupad ang mga guidelines sa STS. Lahat ng stakeholder ay ikokonsulta at ikokonsidera ang mga rekomendasyon, agam-agam at kung ano pa man na problema para maipatupad ng maayos ang nasamangprograma. LASACMAR

Other News
  • Mga recovered patients, partially vaccinated payagang kumain sa mga resto- NTF adviser Herbosa

    DAPAT ding payagang kumain sa mga restaurants ang mga indibidwal na naka-recover mula sa COVID-19 at iyong mga partially vaccinated dahil sa medical conditions.   Ito ang pahayag ni National Task Force Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dapat i-ban ang mga unvaccinated individuals na pumasok […]

  • ‘Wag mag-iwan ng alcohol sa sasakyan – MMDA

    PINAYUHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na iwasang mag-iwan ng mga bote ng rubbing alcohol sa loob ng kanilang mga sasakyan.     Sinabi ng MMDA na maaaring magdulot ng disgrasya ang alcohol kapag naiwanan sa loob ng sasakyan lalo na kung mabibilad ito sa matinding init ng araw.     […]

  • Social media page ng Phil. Coast Guard pinasok ng hackers

    NAPASOK  ng hackers ang Facebook page ng Philippine Coast Guard.     Sinabi ni PCG spokesperson Coast Guard Rear Admiral Armand Balilo, naganap ang hacking nitong gabi ng Lunes.     Napansin nila ito ng may dalawang malisyosong video ang naipost sa kaniang Facebook page.     Sinubukang tanggalin ng kanilang Coast Guard Public Affairs […]