• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO, nagpapalabas ng permit sa driving schools sa kabila ng invalid documents – COA

PINUNA ng Commission on Audit (COA) ang ilang tanggapan ng  Land Transportation Office (LTO) para sa pagpapalabas ng permit o sertipiko ng accreditation o akreditasyon para sa  driving schools noong nakaraang taon  kahit pa ang mga isinumiteng dokumento ay  invalid o incomplete. 
Sa pinakabagong audit report  para sa  Department of Transportation (DOTr), sinabi ng COA na  ang 189 o 66.32% ng 285 driving school applicants ay inaprubahan sa kabila ng kulang sa  requirements.
Ang mga ito ay inaprubahan ng DOTr-Cordillera Administrative Region,  tanggapan ng LTO  sa National Capital Region, Central Luzon, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, at Soccsksargen regions.
Maliban sa kulang sa documentary requirements,  sinabi ng COA na ang mga aplikante ay walang “proper facilities at equipment” para makapagbigay ng  driving lessons.
“The laxity in the review and evaluation of the documentary requirements and on the conduct of site inspections by the RAC (regional accreditation committee) defeats the objectives for which these minimum requirements were imposed,” ayon kay COA sa audit report, in-upload sa kanilang website noong Hulyo  13.
Ang LTO offices ay required  na atasan ang  driving school applicants na magsumite ng tamang dokumento para sa akreditasyon.
Pinayuhan din ng COA ang  LTO na maging istrikto sa pagsasagawa ng site inspections sa mga classrooms, maneuvering sites, at iba pang pasilidad bago magpalabas ng permit.
Kinilala naman ng  LTO regional offices ang obserbasyon ng  COA at sinang-ayunan ang rekomendasyon nito.  (Daris Jose)
Other News
  • Gobyerno, inatasan ang DoLE na palakasin ang pagsisikap laban sa illegal recruitment

    INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Labor and Employment (DOLE) na paigtingin pa ang pagsisikap nito laban sa illegal recruitment.   Ipinag-utos ng Pangulo sa DOLE na magkaroon ng mas maraming manpower at isama ang kapulisan sa pagtugon sa labor issue.   “So you fortify the anti-illegal task force,” ang sinabi ni […]

  • BSP sa financial institutions: Sundin ang mandatory 60-day grace period’ sa mga utang

    NAGPAALALA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa lahat ng mga bangko o financial institutions na agad na sundin ang itinatadhana ng bagong batas na dalawang buwan na puwedeng hindi muna bayaran ang pagkakautang.   Sa ipinalabas na memorandum ni BSP Gov. Benjamin Diokno, sinabi nito na ang 60-days na grace period sa mga loans […]

  • DAYO BINOGA SA BASECO, PATAY

    PATAY ang isang lalaki na dumayo lamang sa lugar nang pagbabarilin ng di nakilalang suspek sa Baseco compound, Tondo, Manila   Kinilala ang biktima na si  Franjill Francia, nasa wastong edad ng Block 3 Lot 60 Mustard Street, Camella Homes, Bacoor, Cavite,base sa nakuhang lisensiya sa kanyang pitaka.   Sa ulat ng Manila Police District […]