• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO: “No registration, No travel”

PINAIGTING ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang polisiya sa “no registration, no travel” kung saan nakipagsanib ng lakas ang LTO sa Philippine Coast Guard (PCG) laban sa mga hindi rehistradong pribado at public utility vehicles (PUVs).
Sa huling pakikipagusap ng LTO sa PCG ay nagkaron na ng finalization ang mga strategic plans sa pagpapatupad ng nasabing polisia.
“We still have a long way to go at LTO but with hard work, strategic planning and implementation, and the dedication to road safety of all our personnel, I am confident that we will finally reach our target,” wika ni LTO assistant secretary Vigor Mendoza.
Ang pagsasanib ng PCG at LTO sa pagpapatupad ng “no registration, no travel” na polisia ay mula sa kautusan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.
Ayon kay Mendoza may 30 porsiento ng kada araw na kinikita ng registered PUV operators at drivers ay halos nanakaw ng mga colorum o mga hinding rehistradong mga sasakyan.
“We understand these concerns and this is the reason why we have been strengthening our coordination and interoperability with the PCG and other law enforcement agencies against these colorum vehicles,” dagdag ni Mendoza.
Simula noong Jan. 1 hanggang 23, may 182, 459 na motor vehicles ang nahuli na bahagi ng pinagsanib na lakas ng pamahalaan laban sa “no registration, no travel” na polisia.
Sa kabuohang dami, may 48,714 ang mga four-wheeled na sasakyan habang may 133,744 na mga motorcycles ang nahuli sa operasyon. May 1,966 na mga sasakyan naman ang nakuha, 1,735 na motorcycles at 231 na four-wheeled na mga sasakyan.
“I am personally monitoring both our law enforcement operations and the information drive, and I commend our officials and personnel for this positive result. The figures are encouraging, and I am confident that more vehicles will be registered in the coming days,” saad ni Mendoza.
Ang istriktong pagpapatupad ng nasabing polisia ay talagang kailangan upang maobliga ang mga delinquent na mga sasakyan na sumunod sa annual vehicle registration ng LTO.
Mula sa datus ng LTO, may 24 milyon na mga sasakyan sa buong bansa ang may mga expired na rehistro. Kasama sa taonang proseso sa pagrerehistro ng sasakyan ay ang pagkakaron ng roadworthiness clearance.
Ang mga nasabing 24 milyon na unregistered at unchecked motor vehicles ay bumubuo sa 60 porsiento ng kalahatang bilang ng mga sasakyan sa buong bansa. LASACMAR
Other News
  • BBM bigong humarap sa disqualification hearing

    BIGONG makaharap sa pagdinig ng Commission on Elections First Division si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa tatlong ‘disqualification case’ na inihain laban sa kaniya upang mapigilang tumakbo sa 2022 Elections.     Kabilang sa mga dininig kahapon ay ang petisyon nina Bonifacio Ilagan, Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA), […]

  • 4 arestado sa baril, granada at shabu sa Caloocan

    SA kulungan ang bagsak ng apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos makupiskahan ng baril, granada at higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong alas-10:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba […]

  • Toktok rider, 1 pa nadamba sa buy bust sa Valenzuela

    SWAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga kabilang ang isang Toktok deliver rider matapos matimbog sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city.     Ayon kay PSSg Ana Liza Antonio, dakong alas-5:45 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) […]