• March 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO: Papayagan na marehistro ang sasakyan kahit may NCAP violations

PAPAYAGAN ng Land Transportation Office (LTO) na marehistro ang mga sasakyan kahit na ito ay lumabag sa no-contact apprehension policy (NCAP).

 

 

 

Ayon kay LTO assistant secretary Teofilo Guadiz, susupendihin muna ang pagpapatupad ng alarm tagging sa mga sasakyan na may violations.

 

 

 

Sinabi rin niya na may provisions sa Republic Act 10930 na siyang nag amend sa Land Transportation code na hindi tinutupad sa pagsusulong ng NCAP na ginagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga local government units (LGUs).

 

 

 

“Pending development of a uniform guidelines for the implementation of NCAP by LGUs and MMDA, alarm tagging access of the LGUs and MMDA against vehicles is hereby deactivated temporarily,” wika ni Guadiz.

 

 

 

Inutusan ni Guadiz ang LTO Management Information Division na gumawa ng adjustments sa kanilang sistema upang payagan ang pagrerehistro ng mga sasakyan na may mga paglabag.

 

 

 

Binigyan din niya ng direktiba ang LTO na makipagugnayan sa mga concerned LGUs para sa maayos na pagpapatupad ng NCAP.

 

 

 

Isang memorandum ang nilagdaan ni Guadiz na may petsang Aug.10 kung saan binigyan din ng pansin ng LTO ang mga reklamo ng mga transport leaders dahil sa pagpapatupad ng NCAP.

 

 

 

Wala naman suspension na ginawa ang LTO sa pagpapatupad ng NCAP sapagkat napagkasunduan na gagawa ang mga LGUs ng mga adjustments o pagbabago sa controversial na polisiya matapos ang madaming reklamo ang inihain ng mga motorista at transport providers.

 

 

 

“The LTO is keen on suspending the NCAP pending the ironing out of some issues, particularly on the alarm system for violations on registered vehicle owners instead of the drivers. There is also a lack of grievance and adjudication processes to contest the violations,” dagdag ni Guadiz.

 

 

 

Samantala, 60 porsiento na ang nailalagay na mga sensors ng MMDA sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila at ang mga susunod na sensors ay ikakabit ng phase by phases.

 

 

 

Sinabi naman ni MMDA chairman Carlo Dimayuga na inaasahan ng MMDA na magiging fully operational at upgraded ang mga sensors sa loob ng dalawa (2) hanggang tatlong (3) taon.

 

 

 

Dagdag pa niya ginagalang nila ang plano ng LTO na suspendihin ang NCAP subalit ang MMDA naman ay patuloy na gagawin ang NCAP. LASACMAR

Other News
  • DILG sa mga LGUs: ‘Sabong operations dapat compliant sa lahat ng health protocols’

    PINATITIYAK ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano sa mga local government units na siguraduhin na nasusunod ang pagpapatupad ng minimum public health standards ngayong balik na rin ang operasyon ng sabong matapos ibaba ang alert level status ng National Capital Region (NCR) at iba pang lugar sa bansa .     Simula  February […]

  • Ilang senador, “overreacting” sa pagkadismaya ni pdu30 sa banat nito laban sa senate hearing

    PARA kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, “overreacting” ang ilang senador sa pagkadismaya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa pagbili ng medical supplies sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.   Sa kanyang commentary show na Counterpoint, nilinaw ni Panelo na hindi kailanman […]

  • ABS-CBN nagbayad ng P71.5-B buwis sa loob ng 17 taon – exec

    Aabot  ng ilang bilyong piso na buwis ang ibinayad ng ABS-CBN sa pamahalaan sa loob ng 17 taon, ayon sa isang opisyal ng kompanya.   Sa pagdinig sa Kamara, sinabi ni ABS-CBN Group chief financial officer Ricardo Tan na mula 2003 hanggang 2019, aabot ng P71.5 billion ang buwis na ibinayad ng kompanya sa pamahalaan. […]