• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO pinaalalahanan ang mga motorista na agarang ikabit ang kanilang plaka, nagbabala ng 5,000 multa sa lalabag

PINAALALAHANAN ng Land Transportation Office (LTO) ang mga motorista na ikabit ang kanilang plaka sa kanilang mga sasakyan matapos makatanggap ng mga ulat na may ilang may-ari ng sasakyan na sadyang hindi ito inilalagay kahit na na-release na.

 

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang pagmamay-ari ng sasakyan ay may kaakibat na responsibilidad, kabilang ang agarang pagkakabit ng plaka kapag ito ay na-release na.

 

“Sa pakikipag-ugnayan natin sa PNP, sa pamamagitan ng kanilang Highway Patrol Group (HPG), at maging sa sarili nating operasyon, natuklasan natin na may mga sasakyan na sadyang hindi kinakabitan ng plaka kahit na naibigay na ito,” ani Asec Mendoza.

 

“Hindi po souvenir items and mga plaka, dapat ikabit po ito sa ating mga motorsiklo at mga sasakyan as soon as na-release na ito ng mga car dealers at the LTO. Meron pong penalty kapag hindi po ito nasunod ayon sa batas,” dagdag niya.

 

Ipinunto ni Asec Mendoza na alinsunod sa Republic Act 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code ng Pilipinas, may multang P5,000 para sa mga may-ari ng sasakyang hindi nagkabit o hindi wasto ang pagkakabit ng kanilang plaka.

 

Ayon pa kay Asec Mendoza, bagaman nagkaroon ng problema sa supply ng plaka simula noong 2014, naresolba na ang backlog para sa mga plaka ng mga four-wheel vehicles.

 

Samantala, inaasahang matatapos na rin ang backlog para sa mga motorsiklo bago o sa Hulyo ngayong taon.

 

“Meron po kaming database ng mga plakang na-release na at magbabayad po kayo ng P5,000 na penalty kapag napatunayan na tinamad or talagang wala kayong balak na ikabit ang mga plakang na-release na sa inyo,” babala ni Asec Mendoza. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Nakalimang Best Actor trophies sa loob ng 12 years: ALLEN, nakatakda nang i-elevate sa ‘FAMAS Hall of Fame’

    NAKATAKDANG i-elevate sa FAMAS Hall of Fame sa kategoryang Best Actor ang multi-awarded na si Allen Dizon.     Nakalimang Best Actor trophies na kasi si Allen mula sa oldest award-giving body sa Pilipinas which is celebrating 70 years.     Winner si Allen ng Best Actor awards sa Famas for Paupahan (2009), Dukot (2011), […]

  • Malaking bagay na si Yam ang director ng movie: FRANKI, palaban din sa hubaran at nakipagsabayan kina KIKO at JAY

    MARAMI ang nakapansin sa isa sa mga Instagram post ni Heart Evangelista na tila ang payat na raw talaga nito ngayon.     Although, sa buong showbiz career naman yata ni Heart, never namin siyang nakitang tumaba, huh.     Pero medyo kapansin-pansin nga ang mas malaking ibinawas ng timbang ni Heart. Na even her […]

  • Catantan tumusok ng 14 na panalo sa US NCAA

    PAMBIHIRANG husay at bangis ang niladladlad ni Pennsylvania State University athletic scholar Samantha Kyle Catantan ng Pilipinas sa 81st National Collegiate Athletic Association Fencing Championship 2021 women’s foil event nitong Sabado (Linggo sa Maynila) sa Bryce Jordan Center sa University Park, Pennsylvania.     Nanalasa ng 14 na panalo ang 19 na taong-gulang, tubong Quezon […]