LTO pinag-aaralan kung dadagdagan ang tanong sa driver’s license exam
- Published on September 22, 2023
- by @peoplesbalita
PINAG-AARALAN ng Land Transportation Office (LTO) kung dadagdagan ang mga tanong sa driver’s license exam na binibigay sa mga kumukuhang motorista.
Dahil na rin sa mga nakaraang insidente ng mga road rage kung kaya’t naisip ni assistant secretary Vigor Mendoza II niya na dagdagan ang mga katanungan dito.
“We consulted HPG also on this. We will continue with this issue of road rage incidents. There might be some questions that should be asked which are not included in the questionnaire. That would give us an indication if could really give a license or not,” wika ni Mendoza.
Sa ngayon ay pinag-aaralan pa lang ng LTO ang ganitong panukala. Ito ay wala pang finality dahil ayaw din ng LTO na may napakahabang pagsusulit.
Magkakaroon ng strategic planning conference ang LTO kung saan ang issue na ito ay tatalakayin bilang karagdagan requirements sa pagkuha ng driver’s license. Kasama dito ang random tests kung saan ang mga tanong ay tutugma sa kanilang sasakyan o motorcycle ng aplikante.
Inaasahang ang pag-aaral sa pagbabago ng exam sa driver’s license ay matatapos hanggang katapusan ng taon. Dagdag pa ng LTO na tinitingnan din nila kung posible magbigay sila ng mas mataas na parusa at multa sa mga insidente ng road rage.
Sa ngayon, ang multa sa mga motorista na sangkot sa road rage na naging sanhi ng kamatayan o injury ay apat (4) na taong suspension o revocation ng driver’s license.
Noong nakaraang Aug. 19 sa Valenzuela City ay isang sports utility vehicle driver na may armas ang sinugod at tinutukan ang isang taxi driver.
Nang nakaraang Aug. 8 naman ay isang retired na pulis ang nangtutok ng baril sa isang cyclist sa lungsod ng Quezon na nakarating ang kaso sa Senado. LASACMAR
-
PBBM, bibisitahin ang Brunei, Singapore sa susunod na linggo
NAKATAKDANG bumiyahe si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tungong Brunei Darussalam para sa isang state visit at Singapore para naman sa defense summit sa susunod na linggo. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) pokesperson Maria Teresita Daza na nakatakdang bumiyahe sina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza […]
-
HIGHLY-ANTICIPATED BIG SCREEN EVENT “FIVE BREAKUPS AND A ROMANCE” POISED TO SMASH BOX-OFFICE RECORDS ON OCT. 18
PHILIPPINES’ primetime “bidas” Alden Richards’ and Julia Montes’ highly-anticipated big screen event “Five Breakups and A Romance” is set to exceed estimates and continue to break the local movie industry’s slump when it opens in local cinemas nationwide on October 18. “Five Breakups and A Romance” is directed by Irene Villamor (also known […]
-
PAGBEBENTA NG GAMOT SA SAR-SARI STORE IPAGBAWAL
HIHILINGIN ng Food and Drug Administration (FDA) sa pamahalaang lokal na gumawa ng ordinansa sa pagbabawal ng pagbebenta ng gamot sa mga sari-sari store. Ayon sa FDA, ito ay upang maiwasan ang pagbebenta ng mga pekeng gamot na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga konsyumer. Sinabi ang panukalang ito […]