• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO pipilitin na mailabas ang plate numbers ng mga motorcyles at motor vehicles bago ma-release sa showroom

ISANG mungkahi ang nilalatag ng Land Transportation Office (LTO) na tinatawag na “plate out of the showroom,” kung saan ang mga motorcycles at ibang motor vehicles ay magkaroon ng license plate bago lumabas ng showroom.

 

     Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan ang LTO sa mga stakeholders kasama ang mga dealers at manufacturers para sa isang posibleng dry run gagawin ngayon lingo.

 

     “Its already 2025, we have good technology so there is no more reason for delay of license plates. We will focus more on the basic services of LTO to the people. Assec Mendoza has taken up the challenge and will work towards that finally within the term of President Marcos. We will say goodbye to all the problems of the past and we will move forward with better services. But, we have to start with the basics,” wika ni Department of Transportation (DOTr) secretary Vince Dizon.

 

     Isa ito sa mga pinangako ni Dizon pagkatapos na siya ay maupo sa DOTr kung saan sinabi niya na kung siya ang masusunod ay dapat mag refund ang LTO sa perang binayad ng mga motorista na apektuhan ng backlog sa pagbibigay ng license plates simula pa ng taong 2014.

 

     Sinabi ni Dizon sa isang press conference na gusto nya na maresolba ng LTO ang problema sa nasabing backlog na ang ahensya ay pinamumunuan ni Assec Vigor Mendoza.

 

     Nais din ni Dizon na kung maaari ay mailabas ang license plate sa loob ng 72 oras pagkatapos ang sasakyan ay mabili at marehistro.

 

     Kung kaya’t nagbigay ng plano ang LTO na reresolbahin nila ang problema sa backlog ngayon 2025.

 

     “LTO assistant secretary Vigor Mendoza assured the public that the problem on the license plate backlog that hounded millions of its clients since 2014 will be addressed this year,” pahayag ni Dizon.

 

     Nagpapasalamat naman si Mendoza kay Dizon dahil sa binibigay na madtinding suporta ng DOTr sa LTO sa mga programa ng ahensya na sagot at naayon sa mga hamon ni President Marcos na dapat ay maging madali ang buhay ng bawat mga motoristang Filipiino.

 

     “Since Day One of his assumption in the top DOTr post, we have been in constant coordination with Secretary Dizon in presenting all the challenges and solutions on all the challenges that we are facing now,” saad ni Mendoza. LASACMAR

Other News
  • BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING, NASABAT SA CLARK

    NASABAT ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark Freeport Zone ang isang babae na biktima ng human trafficking na may pekeng pangalan.     Ang biktima ay pansamantalang hindi pinangalanan aklinsunod sa anti-trafficking laws, ay nagmula sa Cotabato ay tinangkang sumakay sa Qatar Airways flight No. QR 931 sa Clark International Airport […]

  • PAOCC spox Casio nanampal ng POGO worker, sibak!

    Sinibak ng Malakanyang ang tagapagsalita ng Presidential Anti-Organizd Crime Commission (PAOCC) na si Winston Casio.     Ito’y matapos mag-viral sa social media ang video nang pananampal ni Casio sa isang Pinoy sa isinagawang raid sa scam hub sa Bagac, Bataan.     Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, chairman ng PAOCC, bukod sa pagsibak […]

  • Pista ng Mahal na Poong Nazareno ‘testamento’ sa pagkakaisa ng mga Filipino- PBBM

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang Pista ng Mahal na Poong Nazareno ang testamento ng “pagkakaisa at pagkakaibigan” ng mga Filipino. Inihayag ito ng Pangulo bilang pakikiisa sa mga mananampalatayang Katoliko sa pagdiriwang ng Pista ng Mahal na Nazareno. Ani Pangulong Marcos, ang makasaysayang tradisyon ay nasa isip na ng mga tao lalo […]