• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO suportado ang deklarasyon ng DA ng National Food Emergency dahil sa isyu ng supply ng bigas

BILANG suporta sa deklarasyon ng Department of Agriculture (DA) ng national food emergency dahil sa isyu ng suplay ng bigas, inatasan ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang lahat ng Regional Director at pinuno ng law enforcement units na magbigay ng tulong sa mga cargo truck na naghahatid ng suplay ng bigas sa buong bansa.

 

Ipinaliwanag ni Asec Mendoza na ang tulong mula sa LTO ay may layuning tiyakin ang maayos at walang hadlang na paghahatid ng suplay ng bigas bilang bahagi ng interbensyon ng pamahalaan, partikular na sa mga lungsod at bayan na maaaring makaranas ng kakulangan sa suplay o hindi pangkaraniwang pagtaas ng presyo ng bigas.

 

“Sa ilalim ng patnubay ng ating DOTr Secretary Jaime J. Bautista, maglalaan tayo ng ilang tauhan upang magsilbing escort sa mga cargo truck na naatasang maghatid ng bigas mula sa pinagmulan patungo sa destinasyon,” ani Asec Mendoza.

 

“Makikipag-ugnayan tayo sa Department of Agriculture at iba pang ahensya ng gobyerno kaugnay nito, at inaasahan natin ang ating mga LTO Regional Director na gawin din ito sa kani-kanilang nasasakupan,” dagdag niya.

 

Sa isang memorandum na nilagdaan ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., idineklara ang national food emergency sa bigas upang mas epektibong matugunan ng pamahalaan ang kakulangan sa suplay at ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng presyo nito.

 

Sa parehong memo, inirekomenda ng National Price Coordinating Council—kung saan kabilang ang DOTr—ang deklarasyon ng national food emergency sa bigas. Ang LTO ay isang attached agency ng DOTr.

 

Dahil ang bigas ang pangunahing pagkain ng milyun-milyong Pilipino, binigyang-diin ni Asec Mendoza ang kahalagahan ng pagtutulungan at koordinasyon ng lahat ng kinauukulang ahensya ng gobyerno, kabilang ang LTO.

 

“Nakahanda tayong maglaan ng tauhan at mga kinakailangang kagamitan upang makatulong sa pagsasakatuparan ng deklarasyong ito, dahil ang pangunahing konsiderasyon dito ay ang kapakanan ng ating mga kababayan,” ani Asec Mendoza.

 

“Patuloy nating babantayan at susubaybayan ang mga update kaugnay nito upang makapagplano at maisagawa ang kinakailangang tulong na maibibigay ng LTO,” dagdag pa niya. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Tiangco, pinangunahan ang turnover ng mga gamit sa mga paaralan

    BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Navotas Teachers’ Day, namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ng iba’t ibang kagamitan para sa mga pampublikong paaralan. (Richard Mesa)

  • Kahilingan na ipagpaliban ang SSS rate hike, pag-aaralan ng Malakanyang

    PAG-AARALAN ng Malakanyang ang naging panawagan at kahilingan ng mga business at labor leaders kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kaagad na magpalabas ng Executive Order (EO) na magpapaliban sa pagtataas sa monthly Social Security System (SSS) contributions ng mga manggagawa at employers.   “Hindi ko alam kung kakayanin ‘yan ng EO kasi ang pinapaliban […]

  • ‘Para Kay B’ ni Ricky Lee, isa nang stage play: LIZA, excited sa pagbabalik-teatro bukod sa pagiging producer

    PARA sa mga tagahanga ng panitikang Pilipino at sa mahilig sa teatro, maghanda na sa kapana-panabik na theatrical adaptation ng pinakamamahal na pinakamabentang nobelang ‘Para Kay B’ ni Ricky Lee. Handog ito ng LA Production House at Fire & Ice Live, ang inaabangang produksyon na ito ay magsisimula sa Marso 14 hanggang 30, 2025, sa Doreen Black […]