• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO, target na gawing fully digital ang aplikasyon ng Student Permit at Drivers License

INIHAYAG ng Land Transportation Office na plano nilang gawing fully digital ang aplikasyon sa pagkuha ng mga Student Permit, Driver’s License at renewal.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, doble effort ang ginagawa ng kanilang ahensya upang matugunan ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Paliwanag ng opisyal, mababawasan na ang mga fixers sa ahensya dahil kaunti na lamang ang face-to-face transactions sa ahensya.

 

 

Giit ni Mendoza, ang teknolohiya ay talagang epektibo upang mapuksa ang korapsyon sa lahat ng mga transaksyon sa kanilang tanggapan at mga satellite offices nito.

 

 

Pinapagbuti at pinalalakas na rin ngayon ng LTO ang kanilang information dissemination.

 

 

Layunin nitong mahikayat ang mga motorista na tangkilikin ang online transactions sa registration at renewal ng motor vehicle registration.

 

 

Paliwanag pa nito na nasa proseso na ang LTO sa pag-integrate ng bagong IT system sa lumang sistema upang masigurong hindi magkakaaberya o technical glitches.

Other News
  • PSC OIC Fernandez, atleta sumalang sa Covid-19 tests

    Pinangunahan ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner at newly appointed Officer-In-Charge Ramon Fernandez ang isinagawang COVID-19 swab testing sa PhilSports Complex sa Pasig City.   Kasama ni Fernandez sa ginanap na testing ang kanyang asawang si Karla Kintanar-Fernandez at inaasahang makukumpleto ang 14-day quarantine, habang nagtatrabaho bilang OIC, sa July 17.   “We will comply […]

  • RYAN REYNOLDS IS AN NPC-TURNED-HERO IN A VIDEO GAME

    DEADPOOL star Ryan Reynolds is back in the new trailer for Free Guy!   On this film, Reynolds plays an NPC bank teller in a video game, whose mind was seem- ingly set free from its program. Check out the new trailer below: https://www.youtube.com/ watch?v=JORN2hkXLyM   In an open-world video game, the background character Guy […]

  • Diskriminasyon laban sa mga estudyanteng Moro, kinondena

    KINONDENA ng mga Muslim na mambabatas ang hinihinalang profiling ng Philippine National Police (PNP) sa mga mag-aaral na Muslim at inilarawan ito bilang lantad na uri ng diskriminasyon.   Isang talaan ang pupunan ng mga ito ukol sa detalye ng bawat estudyante tulad ng grade level, gender at total na bilang ng Muslim students sa […]