Lumabas ang photos nila ng Tattoo guy: KYLIE, hindi naman itinanggi na nakikipag-date siya
- Published on June 24, 2025
- by @peoplesbalita
Although, hindi na niya nilinaw yung salita niyang “we dated” kung hanggang ngayon ba.
Naglabasan ang mga photos na kasama niya si Tattoo guy. Natatawang sagot naman niya, “Ah, si Tattoo Guy, we dated, yeah, we dated.”
Dahil ‘we dated,’ tapos na?
“Secret,” natawa niyang sagot.
Masaya ba ang puso niya ngayon?
“Happy naman ako, very grateful lalo na sa trabaho, buhay ang mga anak ko.”
Sa dalawang anak pa lang daw niya na sina Alas at Axl, talagang nakukuha na ang oras niya sa pagpapalaki sa mga ito.
Nitong Lunes, June 23 ay nag-pilot na sa GMA Afternoon Prime ang bago niyang teleserye, ang “My Father’s Wife” na mapapanood mula Lunes hanggang Sabado.
Kasama rin ni Kylie sina Gabby Concepcion, Kazel Kinouchi at Jak Roberto.
Proud si Kylie sa bagong serye.
Aniya, “Ang ganda ng story, e. Ako, personally, noong prinisent sa akin, gusto ko siya. Kasi, walang character na gray. Walang mabait lang, walang kontrabida talaga. Yung character ko may dahilan kung bakit nagalit sa character niya (Kazel) at may dahilan din kung bakit nagalit yung character niya sa akin.”
***
HALOS lahat naman ng housemates na naiwan pa sa Bahay ni Kuya ay nagisa ng husto ng mga housemates na na-evict na.
Pero tingin namin, si AZ Martinez ang pinaka sa kanila lahat. Talagang diniretso ito ng mga evictees. Mababasa tuloy sa mga comment na nandiyang mean girl daw or plastic at kung ano-ano pa.
Unang bato pa lang sa kanya ni Kira Balinger ay diretsahan siyang tinanong kung sa palagay raw ba ni AZ, naging good example siya sa loob ng bahay ni Kuya?
“Yes,” ang mabilis na sagot ni AZ.
“I think, I have been so open inside the house to the point that I feel like I even over share.”
Pero diniretso si AZ ni Ashley Ortega na paano raw nitong nasabi na nagpapaka-totoo siya kahit kay Ashley mismo? Tinawag pa ni Ashley si AZ na two-faced o doble-kara. Sinegundahan din ni Shuvee Etrata ang sinabi ni Ashley at sinabi nito kay AZ na feeling niya, hindi ito nagpapaka-totoo. Nang magkausap daw sila sa garden, sinabihan daw siya nito na kakampi niya. Pero noong nomination, binoto siya. Kaya tinawag pa ito ni Shuvee na fake.
Sinagot naman ni AZ ang lahat ng binato sa kanya, pero siyempre, mas nagkaroon ng tila negative impression sa kanya ang mga netizens.
(ROSE GARCIA)