• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LUNGSOD NG ANTIPOLO, UNANG LGU SA LABAS NG NCR NA NAGLUNSAD NG COVID-19 VACCINATION

Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo ang programa nito sa pagbabakuna laban sa COVID-19 kasabay ng seremonya ng pagbabakuna ng DOH para sa roll-out ng COVID-19 vaccine sa lalawigan nitong Marso 4, 2021 na ginanap sa Antipolo City Hospital System-Annex 4.
Tumanggap ng 300 doses ng CoronaVac vaccine ang Antipolo – ang unang vaccine na dumating sa bansa. Mga hospital chiefs at health workers mula sa 4 na pampublikong ospital ng lungsod ang unang tumanggap ng vaccine, na hudyat upang maging unang LGU ang Antipolo sa labas ng Metro Manila na nagsagawa ng kanilang COVID-19 vaccination program.
Si dating governor at mayor Dr. Jun Ynares ang nagbigay ng unang bakuna kay city health officer Dr. Lat. Tinunghayan ang makasaysayang araw nina NTF Implementer at Testing Czar Vince Dizon, MMDA General Manager Jojo Garcia, DILG ASec Felix, DOH ASec Laxamana at RD Janairo.
Magpapatuloy ang pagbabakuna sa lalawigan ng Rizal ayon sa listahan ng mga prayoridad ng DOH.
Other News
  • Gilas ‘Pinas ni Dickel, ‘di mababalasa – SBP

    MAAARING ang komposisyon ng Gilas Pilipinas na naglaro kontra Indonesia ang gagamitin din ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kapag natuloy na ang na-postpone na game kontra Thailand.   Itataguyod dapat ng mga Pinoy ang Thais sa Araneta Coliseum noong Pebrero 20 sa first window ng 2021 FIBA (International Basketball Federation) Asia Cup. Pero kinansela ng […]

  • 60% ng mga Pilipino, pabor sa Sim card registration – Social Weather Stations

    LUMALABAS sa survey mula sa Social Weather Stations (SWS) na majority o 60% ng mga Pilipino ang pabor sa SIM Card Registration law.     Mula sa survey ng SWS nasa 17% ng respondents naman ang tutol habang nasa 23% ang undecided.     Sa 60%, 32% dito ang strongly approve habang nasa 29% naman […]

  • GSIS, nag-alok ng emergency loan sa lima pang lugar na apektado ng Mindoro oil spill

    MAAARI ng mag-avail  ng emergency loan ang mga miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) na nakatira sa lima pang lugar na naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro.     Ang mga  lugar ay ang Calapan City at mga munisipalidad ng Baco, San Teodoro, Soccoro, at Victoria.     Sinabi ng GSIS  na naglaan […]