• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lyceum kampeon sa NCAA online chess

Nasungkit ng Lyceum of the Philippine University ang korona sa NCAA Season 96 seniors’ online chess tournament.

 

 

Pinayuko ni Neymark Digno ng Lyceum si Carl Jaediranne Ancheta ng Arellano University sa championship round upang matamis na angkinin ang titulo.

 

 

Nagkasya lamang sa pilak si Ancheta.

 

 

Nakahirit ng tiket sa finals si Digno nang gapiin nito si University of Perpetual Help System Dalta bet Carl Zirex Sato sa semifinals.

 

 

Umabante naman sa gold-medal match si Ancheta nang igupo nito si Adrian Othniel Yulo ng College of Saint Benilde sa hiwalay na semis game.

 

 

Ito ang kauna-unahang titulo ng Lyceum sa chess tournament sa liga.

 

 

Nauna nang ginanap sa season na ito ang poomsae, speedkicking at volleyball skills challenge.

Other News
  • Bukod sa ‘di matatawaran ang pagtulong sa mga OFWs: ARNELL, naglunsad ng health and wellness campaign para sa OWWA employees

    GRABE at hindi talaga matatawaran ang dedikasyon at concern ng Executive Director Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na si Arnell Ignacio sa mga Overseas Filipino Workers (OFW), na kapag nagkakaroon ng problema at agad siyang gumagawa ng solusyon, katulad na lang ng bagong kaso ng isa nating kababayan sa Kuwait na patuloy nilang […]

  • All-Filipino lineup handang iparada ng Gilas

    Handa ang Gilas Pilipinas na isabak ang all-Filipino lineup nito sa FIBA Asia Cup Qualifiers sakaling hindi umabot ang naturalization ni Ivorian Angelo Kouame.   Ilang araw na lamang ang nalalabi bago tumulak patungong Manama, Bahrain ang Gilas Pilipinas.   Subalit nananatiling opti­­mistiko ang Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makukuha ni Kouame ang naturalization […]

  • Phil. team nakasungkit na ng 2 silver at 4 na bronze medals

    NAGING maganda ang pagsisimula ng pambato ng bansa sa ICF Dragon Boat World Championships.     Sa ginanap kasi na torneo sa Puerto Princesa, Palawan ay nakakuha agad sila ng dalawang silvers at apat na bronze medals.     Nagtapos kasi ang junior contestants ng bansa sa oras ng 10 minutes at 15.51 segundo sa […]