• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maagang pagboto ng mga seniors, PWDs, abogado, human resources for health, aprub sa Kamara

INAPRUBAHAN sa ikatlo at pinal na pagpasa ng kamara ang panukala para sa maagang paboto ng mga kuwalipikadong senior citizens, persons with disabilities (PWDs), abogado at human resources for health sa national at local elections.

 

 

Sa botong 259, ipinasa sa plenaryo ang House Bill 7576, na pinagsama-samang 15 magkakahiwalay na panukala na inihain nitong 19th Congress.

 

 

Pinapurihan naman ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang progreso ng panukala na kapag naging ganap na batas ay makakatulong sa mga nabanggit na sektor na makaboto ng maaga at hindi sumabay sa dagsa ng botante tuwing halalan.

 

 

Ayon sa speaker, pangunahing kunsiderasyon sa panukala ay ang pisikal na kondisyon atkalusugan ng mga senior citizens at PWDs kaya dapat makaboto ito ng maaga.

 

 

Kinunsidera naman ang paglalaan ng professional services ng abogado at health and safety services sa publiko ng human resources for health, para makaboto rin ng maaga sa national at local elections.

 

 

Ang panukala ay pinagsama-samang 15 panukalang batas na inihain nina Negros Oriental Rep. Juliet Marie de Leon Ferrer, Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, Quezon Rep. Keith Micah “Atty. Mike” D.L. Tan, Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing, Jr., Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing, Senior Citizens Party List Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes, Northern Samar Rep. Harris Christopher Ongchuan, 4PS Party List Rep. Jonathan Clement Abalos II, Ang Probinsyano Party List Rep. Alfred Delos Santos, Pangasinan Rep. Marlyn Primicias-Agabas, Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, Cavite Rep. Ramon Jolo Revilla III, Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla, Agimat Party List Rep. Brian Revilla, at Probinsyano Ako Party List Rep. Rudys Cesar Fariñas.

 

 

Nakasaad sa panukala na ang human resources for health ay yaong “engaged in health and health-related work, and all persons employed in all hospitals, sanitaria, health infirmaries, health centers, rural health units, barangay health stations, clinics and other health-related establishments owned and operated by the Government or its political subdivisions with original charters and shall include medical, allied health professional, administrative and support personnel employed regardless of their employment status who physically report to the frontlines during the day of the election”.

 

 

Magsasagawa ng nationwide registration para sa mga senior citizens, PWDs, lawyers, at human resources for health upang mailista sila sa maagang pagoboto. (Ara Romero)

Other News
  • Makipag-ugnayan, maghanda para sa La Niña

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at local government units (LGUs) sa Maguindanao province na makipag-ugnayan at maghanda para sa La Niña phenomenon.     Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang pamamahagi ng presidential assistance sa mga magsasaka at mangingisda sa Maguindanao del Sur, sinabi ng Punong Ehekutibo […]

  • Utol ni Percy Lapid kumbinsidong hindi ‘fall guy’ si Escorial

    KUMBINSIDO si Roy Mabasa, kapatid ni Percy Lapid na hindi fall guy si Joel Escorial at ito mismo ang  bumaril at nakapatay sa kanyang kapatid  noong Oktubre 3 sa Las Piñas.     Sa kanyang pagsama sa ginawang walk through sa crime scene ng pulisya, sinabi ni  Mabasa na nagkaroon siya ng  pagkakataon na makausap […]

  • Superliga beach volleyball, kinansela

    TULUYAN nang kinansela ng Philippine Superliga ang kanilang Beach Volleyball Cup dahil sa pananalasa at matinding epekto sa bansa ng super bagyong Rolly.   Sinabi ng PSL na nagkasundo na lamang sila na ituloy sa Pebrero 2021 ang kompetisyon.   Ayon sa ulat, target sanang isagawa ng beach volleyball nitong Nobyembre 26-29 sa Subic Bay […]