Maagang suspensyon ng trabaho sa Sept. 27, inanunsyo ng Malakanyang
- Published on September 24, 2021
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ng Malakanyang ang maagang suspensyon ng trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa darating na Setyembre 27 para mabigyan ng pagkakataon ang mga manggagawa na makasama ang kanilang pamilya at makapagdiwang ng “Kainang Pamilya Mahalaga Day”.
Sa Memorandum Circular (MC) No. 90, na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, araw ng Martes, nakasaad dito na ang trabaho sa mga government offices sa executive branch ay isususpinde ng mula 3:30 ng hapon sa Setyembre 27, na mas maaga ng 90 minuto kumpara sa normal work day.
“However, agencies whose functions involve the delivery of basic health services, preparedness/response to disasters and calamities, and/or the performance of other vital services shall continue with their operations and render the necessary services, ” ang nakasaad sa MC.
Samantala, hinikayat naman ng Malakanyang ang lahat ng government workers sa executive branch sa suportahan ang Family Week Celebration na inihanda ng National Committee on the Filipino Family.
Tinawagan din nito ang iba pang sangay ng pamahalaan, independent commissions o bodies, at private sector na makiisa at payagan ang mga pamilyang filipino na magdiwang ng ika- 29 na National Family Week.
Ang direktibang itong Malakanyang ay alinsunod sa Proclamation No. 60 of 1992, na idineklarang ang huling linggo ng Setyembre ng bawat taon ay Family Week.
-
Gilas Pilipinas coach Chot Reyes sabik na makasama ang 16-anyos Fil-Am na si Caelum Harris
NAGPAHAYAG ng kasabikan si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na makitang sumabak kasama ang 16-anyos na Filipino American at 6’7″ Caelum Harris. Ito ay matapos na ianunsiyo ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na makakasama agad si Harris sa Gilas Pilipinas National Team program. Inaasahan na sa buwan ng Marso ay […]
-
Parking boy, binayaran ng saksak
SAKSAK sa katawan ang ibinayad ng isang balasubas na lalaki sa parking attendant na kanyang inutangan matapos siyang singilin ng biktima sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Isinugod sa Tondo Medical Center ang biktimang si Arjay Cablaida, 19 ng 113 Brgy. Tanong para magamot ang malalim na saksak mula sa suspek na nakilala […]
-
Smoke emission test kailangan pa rin sa LTO
Nilinaw ng Malacanang na kailangan pa rin ang smoke emission test kahit na hindi na mandatory ang Motor Vehicle Inspection System (MVIS) sa pagrerehistro at renewal ng sasakyan sa Land Transportation Office (LTO). “We have just a clarification. While the President said that motor vehicle inspection must be suspended, there is still a […]