Maalaga na sa mga kapatid kahit noong bata pa: SYLVIA, proud na proud kay RIA sa pagiging hands-on mom kay SABINO
- Published on March 1, 2025
- by Peoples Balita

BAGO natapos ang buwan ng puso, apat sa anim na pelikula ngayong linggo ang swak sa pamilyang Pilipino ayon sa klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Rated G (angkop sa lahat ng edad) ang “Secret: Untold Story” at “Ive: The 1st World Tour in Cinema” na parehong galing South Korea.
Rated PG (edad 12 pababa kasama ang magulang) ang “Everything About My Wife” na pinagbibidahan ng mag-asawang Jennylyn Mercado and Dennis Trillo, at ang biographical musical drama na “A Complete Unknown,” batay sa buhay ng mang-aawit na si Bob Dylan.
“The Caretakers,” na bida sina Iza Calzado at Dimples Romana, ay rated R-13 para sa edad 13 pataas at swak sa mga mahilig sa katatakutan.
Habang ang 1922 bersyon ng American gothic horror na “Nosferatu” ay rated R-16 para sa edad 16 at pataas.
Payo ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio sa mga magulang na maging handa sa pakikipag-usap sa mga bata tungkol sa mga eksena na posibleng makaapekto sa kanilang kaisipan.
“Aking hinihikayat ang mga magulang at nakakatanda na maging handa para liwanagin sa mga bata ang mga eksenang posibleng hindi nila maarok,” sabi ni Sotto-Antonio.
(ROHN ROMULO)
-
Philadephia Eagles, champion sa 2025 Super Bowl
DINOMINA ng Philadelphia Eagles ang Super Bowl 2025, daan upang ibulsa ang ikalawang championship sa kasaysayan ng koponan. Hindi pinaporma ng Eagles ang Kansas City Chiefs sa hangad ng huli na maibulsa ang three-peat. Sa halip ay tinambakan ng Eagles ang defending champion sa score na 40 – 22. Sa higpit ng depensa ng Eagles, halos […]
-
FACE SHIELDS, BARRIERS, ROADBLOCKS, CURFEW SA PANAHON ng PANDEMYA, ATBP.
Pinatupad na sa public transport ang “no face mask, no face shield, no ride” policy. Sa mga mangagawa ay ipinagutos na rin ang pagsuot ng face shield. May ilang business establishments na may polisiya na rin ng “no mask, no face, shield no entry.” Kaya naman nagsisiguro na ang ating mga mamamayan na magsuot ng face […]
-
Sara Duterte, VP inauguration tuloy sa Davao sa Hunyo; may misa, concert
SIGURADO nang idaraos ang inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte sa Davao City sa Hunyo 19. Sa katunayan, idaraos ang inagurasyon sa San Pedro Square simula alas- 3:00 ng hapon at magtatapos ng alas-11:00 ng gabi. Papayagan naman ang publiko sa nasabing lugar ng alas-2:00 ng hapon. Magsisimula ang […]