• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mabahong amoy na itinatapon sa estero ng isang kilalang unibersidad, inireklamo ng isang barangay sa Maynila

NASA mahigit 300 pamilya ang apektado sa mabaho at nakasusulasok na amoy na nagmumula sa Estero De Sa Antonio Abad na matatagpuan sa kahabaan ng Barangay 178 sa Malate, Maynila.

 

 

Ayon kay Barangay Chairman Mark Delfin, ang mga residente sa lugar ay nahihirapang makatulog ng mahimbing dahil sa mabahong amoy na nagmumula sa estero na aniya ay dahil sa non-toxic waste na nagmumula sa kalapit na sikat na unibersidad.

 

 

Sinimulan aniya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na linisin ang Estero de San Antonio noong 2019 nang magreklamo sila ng masamang amoy na inakala nilang galing sa tambak na basurang itinatapon sa nabanggit na estero.

 

 

Ayon sa kabesa, patuloy pa rin aniya ang masamang amoy kahit nalinis na ang kanal kaya pumasok na ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) at nang magsagawa sila ng testing ay lumabas umano na positibo na nagmumula sa sewerage system ng kalapit na unibersidad ang masamang amoy.

 

 

Sinabi ng punong barangay na ipinagbigay alam na ng mga ahensiya ng pamahalaan sa pamunuan ng unibersidad tungkol sa kanilang kabiguan na sumunod sa Memorandum Circular 2019-01 na inilabas ng DENR na nag-aatas sa lahat ng mga establisyimento sa loob ng Manila Bay region na magtayo ng sarili nilang sewerage treatment plants (STP) upang matiyak na ang wastewater ay maayos na nakokolekta at isinasailalim sa treatment batay sa mga pamantayan ng ahensya.

 

 

Gayunman, sinabi ni Chairman Delfin na sinisisi ng pamunuan ng unibersidad ang Maynilad Water sa hindi pag-asikaso sa kanilang kahilingan para sa connecting pipe ng kanilang imburnal.

 

 

Nabatid naman kay Chairman Delfin na hindi pa nila naipaparating sa lokal na pamahalaan ang kanilang problema dahil ang mga ahensiya ng national government ang kumikilos na dito.

 

 

Matatandaan na noong Hulyo taon 2019 ay nagsagawa ng clearing operation ang DENR sa pamumuno pa ni dating Sec. Roy Cimatu sa nasabing estero kung saan inirelocate ang nasa 50 pamilya na nag-informal settler dito.

 

 

Personal pa na pinuntahan nina dating Sec. Cimatu, dating DENR Usec. Benny Antiporda at Usec. Mitch Cuna gayundin si dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang nasabing estero upang magsagawa ng inspeksyon.

Other News
  • Inaming may pagkakataon na bumigay na at nagkasakit: AIKO, nahihirapang pagsabayin ang pagiging public servant at pag-aartista

    KAHIT walang gintong medalyang napanalunan ay hindi naman umuwing luhaan ang Pinoy world champion gymnast na si Carlos Yulo sa katatapos lamang na 2022 Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Liverpool sa England nitong November 6.     Nakopo ni Carlos ang dalawang medalya at sapat na upang ipagbunyi siya ng buong Pilipinas; nasungkit […]

  • ‘Quota system’ ng PNP, puwedeng gamiting ebidensiya sa ICC probe

    NANINIWALA si House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro na ang sinabing ‘quota’ system ng PNP ni 1-Rider party-list Rep. Bonifacio Bosita sa kampanya kontra droga para mapalakas ang kaso sa International Criminal Court (ICC).     Ang ‘quota’ system ay ang pagkakaroon ng minimum na bilang ng drug busts kada […]

  • Babalik din ng France para sa isang dance competition: BILLY, certified Kapuso na uli at muling magho-host ng ‘The Wall PH’

    SA pag-attend ni Billy Crawford kasama ang beautiful wife na si Coleen Garcia sa Thanksgiving Gala ng GMA Network na ginanap noong Sabado nang gabi sa Taguig City, nakumpirma na tuloy na tuloy na nga ang pagiging Kapuso niya.     Balik-GMA Network na nga ang dating Kapamilya star dahil siya pa rin ang napiling […]