Mabigyan ng trabaho at oportunidad ang mga “ex-convict, isinusulong ng mambabatas
- Published on May 17, 2023
- by @peoplesbalita
ISINUSULONG ng isang mambabatas na mabigyan ng trabaho at oportunidad ang mga “ex-convict,” at matiyak ang produktibo at “crime-free” na buhay nila sa komunidad.
Sa House Bill 1681 o “Former Prisoners Employment Act,” sinabi ni Quezon City Rep. Patrick Michael Vargas na kadalasan na kapag nakalaya na ang mga bilanggo ay nahaharap sila sa iba’t ibang hamon, gaya na lamang ng “stigma” o kaya’y diskriminasyon.
Dahil dito, nahihirapan silang makapasok sa trabaho, lalo na kung kulang din sila sa edukasyon.
Kaya naman giit ng kongresista, mabuting tumulong ang pamahalaan o mga institusyon at bigyan ng ikalawang pagkakataon sa buhay ang mga dating preso.
Kapag naging ganap na batas, bubuo ng isang Office of Employment Opportunities for Former Prisoners, sa ilalim ng Department of Justice (DOJ).
Nakasaad pa rito na ang mga pribadong negosyo na magha-hire o tatanggap sa mga dating bilanggo sa trabaho ay pagkakalooban ng insentibo tulad ng “tax credit.” (Ara Romero)
-
Pingris binigyang pugay!
Kaliwa’t kanan ang papuring tinanggap ni Marc Pingris ng Magnolia Hotshots nang magdesisyon itong tuluyan nang magretiro matapos ang 16 taong paglalaro sa PBA. Kabilang na sa mga nagbigay-pugay si Barangay Ginebra head coach Tim Cone na minsan nang nahawakan si Pingris sa kampo ng Hotshots. Isa si Pingris sa itinuturing […]
-
Movie nina Paulo at Charlie, nag-number one pero wala pang figures na nilalabas; 47th MMFF, masasabing ‘di nagtagumpay
THE 47th Metro Manila Film Festival officially ended on January 7 pero wala pang announcement ang MMFF Execom kung kumita ba ang festival na ang entries ay napanood via streaming sa Upstream and Gmovies. Kung hindi naging virtual ang panonood ng MMFF entries at pwede manood sa sinehan, tiyak na yung entries sa MMFF na […]
-
Malaking bagay na matagumpay ang comeback serye niya: KYLIE, nakapag-move-on at naka-recover na sa role ni ‘Bolera’
MASAYANG-MASAYA ang Kapuso actress na si Kylie Padilla. Kahit na nasa huling Linggo na ang kanyang GMA Telebabad serye, ang “Bolera,” masasabing nagsimula at magtatapos ito ng mataas ang rating at isa sa matagumpay na primetime series ng GMA. At comeback din ito ni Kylie sa telebisyon kaya malaking bagay talaga para sa […]