Mabilis namang maka-amoy kaya walang natuloy: RABIYA, na-confuse na mas mabenta sa bading kesa sa tomboy
- Published on July 5, 2023
- by @peoplesbalita
INAMIN ni Rabiya Mateo na never pa siyang naligawan ng isang tomboy.
“Parang hindi ako maano sa ano, hindi ako mabenta,” pagbibiro niya.
“Wala talaga, kahit noong nag-aaral ako, bakit kaya,” at tumawa ang beauty queen/ actress.
Kuwento pa ni Rabiya, “pero maraming nanligaw sa akin na… ito yung nakakatawa, bakla! Na medyo nako-confuse sila, so may mga tatlo siguro.”
So, ginamit siya ng mga ito para mapatunayan kung bakla sila o hindi?
“Pero hindi naman ako nagpagamit.”
Lantad na bading na ang mga ito noong manligaw sa kanya?
“Hindi pa naman pero amoy ko yun, e. Pero hindi ko naman sila dyina-judge parang sinasabi ko, ‘Sis, parang same-same tayo!’
“Pero siyempre I was honest naman na, if I’m not interested kasi umpisa pa lang sasabihin ko na, I’m not interested.
“Kasi kesa naman magsayang tayo ng oras, di ba?”
Napapanood si Rabiya bilang si Tasha sa ‘Royal Blood’ na pinagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes bilang Napoy, weeknights 8:50 p.m. sa GMA at 11:30 p.m. mula Lunes hanggang Huwebes at 11 p.m. tuwing Biyernes sa GTV.
Sa direksyon ni Dominic Zapata, kasama rin serye sina Megan Young (bilang Diana), Mikael Daez (bilang Kristoff), Dion Ignacio (bilang Andrew), Lianne Valentin (bilang Beatrice), at si Rhian Ramos (bilang Margaret); may mahalagang papel naman sa serye si Tirso Cruz III bilang si Gustavo Royales.
***
DAHIL kasama sa siya sa cast ng ‘Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis’ ay tinanong namin si Raphael Landicho kung pangarap niya bang maging pulis, ang maging piloto ang isinagot ng batang aktor.
Na “natupad” kahit papaano dahil piloto ng robot na si Voltes V ang bahagi ng papel niya bilang si Little John Armstrong sa ‘Voltes V: Legacy’.
“Oo nga po,” ang tumatawang bulalas ni Raphael, “ako nga po si Little John nagpipiloto din po ako [ng robot]. Kaya parang nai-imagine ko na po yung sarili ko in the future na ginagawa ko iyon.”
Dati pa naman raw niya pangarap maging piloto pero…
“Nagkaroon po ako ng interes sa showbiz. Sabi ko parang, ‘Paano kaya makapunta sa TV? Paano kaya yung proseso?’
“Kaya ayun po, naging artista ako,” sinabi pa ng ten-year-old na si Raphael.
Nakatutuwa si Raphael dahil nalaman namin na sa halip na sarili niya ang ibili niya ng mga gamit mula sa mga kinikita niya sa showbiz, mga kapatid niya ang ginagastusan niya.
Ibinibili ni Raphael ang mga kuya niya ng cellphone at sapatos.
Bunso si Raphael sa apat na magkakapatid na puro lalaki.
“Proud po sila sa akin kapag napapanood po nila ako sa TV,” ang sagot ni Raphael sa tanong namin kung ano ang reaksyon ng mga kuya niya na sikat siyang artista ngayon.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
MTPB TRAFFIC ENFORCER NAKIPAGHABULAN SA MGA SNATCHER, 2 MENOR DE EDAD ARESTADO
NAARESTO ng isang traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang dalawang menor de edad na nang-agaw ng cellphone sa isang senior citizen na naglalakad sa Tondo, Maynila. Hawak ngayon ng Manila Social Welafre and Development ang naarestong suspek na ang isa ay nasa edad 15 at ang isa ay nasa […]
-
Taika Waititi Talks About Giving Natalie Portman’s Jane Foster A More Powerful Role
Thor: Love And Thunder director Taika Waititi explains why he’s bringing Jane Foster back for the latest Marvel Cinematic Universe film. Natalie Portman joined the MCU as Jane in the franchise’s early days in 2011’s Thor. Jane’s background as an astrophysicist makes her a helpful ally for Chris Hemsworth’s God of Thunder considering his mythical background isn’t […]
-
Viewer’s guide para sa ‘MMFF 2023’, inilabas ng MTRCB NAGLABAS ng viewer’s guide ang MTRCB para sa ten entries sa upcoming Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25, araw ng Pasko.
Ayon sa statement, “The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), in fulfillment of its mandate to provide age-appropriate ratings to Filipinos, is pleased to announce the official film ratings for the 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) entries: G (General Audience) – Suitable for all audiences Family of Two (A […]