• December 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mag-asawa, 3 pa tiklo sa higit P.4M droga sa Valenzuela

KALABOSO ang mag-asawa na sangkot umano sa pagbebenta ng shabu, marijuana, at marijuana oil vape matapos madakip ng pulisya sa ikinasang buy bust operation, pati na ang tatlo nilang parokyano sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

 

Sa ulat ni P/Lt. Col. Robert Sales, hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta ng shabu, pinatuyong dahon ng marijuana at marijuana oil sa kanilang mga parokyano ng mag-asawang sina alyas “Rey”, 45, (HVI) at alyas “Daisy”, 45, kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.

 

 

Nang makumpirma na positibo ang ulat, bumuo ng team si Lt. Col, Sales sa pangunguna ni P/Capt. Regie Pobadora saka ikinasa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mag-asawa sa loob mismo ng kanilang bahay sa Ilang-Ilang St. Brgy. Maysan dakong alas 10:10 ng gabi.

 

Kasama ring dinakip ng mga operatiba ng DDEU sina alyas “Bhoy”, 44, alyas “Mak”, 33, at alyas “Angel” 40, pawang residente din ng naturang barangay nang abutan sa aktong sumisinghot ng shabu sa loob ng bahay ng mag-asawa na ginagamit din umano bilang drug den.

 

Ani Capt. Pobadora, nakuha nila sa mga suspek ang nasa 60 gramos ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P408,000.00, 17.97 gramo ng pinatuyong dahon na marijuana na may katumbas na halagang P2,156.00, suspected marijuana oil vape na nagkakahalaga ng P21,000, iba’t-ibang uri ng drug paraphernalia, weighing scale at ang P4,500 na mark money na may kasamang boodle money na ginamit sa buy-bust operation.

 

Pinapurihan naman ni NPD Director Ligan ang DDEU sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na pawang mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • First four official entries, inihayag na: SHARON, ALDEN, DINGDONG at MARIAN, ilan lang sa pagpapaningning ng ’49th MMFF”

    SA Facebook post ng Metro Manila Film Festival (MMFF), inihayag ang first four official entries para sa ika-49 edisyon ng MMFF na magsisimula sa December 25, 2023.     Sa taon ito ay nakatanggap ang MMFF ng 26 script mula sa 32 production companies.     Kaya naman pinasalamatan ni Don Artes, ang concurrent acting […]

  • 4 drug suspects kalaboso sa P190K droga sa Caloocan

    HALOS P.2 milyong halaga ng droga ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities matapos maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.     Sa nakarating na report kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagpapatrulya ang mga tauhah ng Cadena De Amor Police Sub-Station sa Robes 1, Brgy. 175 dakong […]

  • Makikitang kasama si Sen. Chiz papuntang bookstore: HEART, ni-reveal na nag-aaral na magsalita ng French

    NI-REVEAL ni Heart Evangelista na nag-aaral siyang magsalita ng French.       Sa kanyang Tiktok video, pinost niya: “Today is my first day of school. School school-an, I am learning how to speak French.”       In the video, Heart was seen with her husband Senator Chiz Escudero driving to a bookstore. Heart […]